Solenn Heussaff pinaligaya ang tribal group sa Bukidnon; excited na sa Erwan-Anne wedding
IBA talaga ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff.
Muli na naman niya kasing ipinamalas ang kanyang kabutihan sa pamamagitan na pagbibigay ng donasyon sa isang ethnic tribal group sa Bukidnon.
Dumayo kasi ng Mindanao ang Encantadia actress upang daluhan ang 4th Sacred Customary Compact Celebration of Unity and Peace na ginanap recently. Naghandog si Solenn ng painting na siya mismo ang gumawa.
Bukod pa rito, nagkaroon din siya ng immersion sa kultura ng mga tribal grup na nakasalamuha niya.
“Words can’t describe how this felt and what an honor it was for me to meet all of them today and the Datus as well. Blessed I could help in my own way,” pahayag pa ng Kapuso actress.
Samantala, kung may isang taong super excited na sa pagpapakasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, yan ay walang iba kundi si Solenn.
Tuwang-tuwa ang aktres nang mag-propose na ang kapatid sa kanyang BFF na naganap nga sa New York habang nasa bakasyon ang magdyowa. Ayon kay Solenn, magiging tunay na mag-sisters na sila kapag ikinasal na ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.