Pagtataas ng kontribusyon ng SSS tinutulan | Bandera

Pagtataas ng kontribusyon ng SSS tinutulan

Leifbilly Begas - December 19, 2016 - 03:25 PM

sss1

Kinondena ng Bayan Muna ang planong itaas ang kontribusyon na sinisingil ng Social Security System kapalit ng P2,000 pagtataas sa pensyon ng mga miyembro nito.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagtataas ng kontribusyon ang huling paraan na dapat gamitin ng SSS upang makalikom ng pondo.
“This is a Grinch-like proposal that only spoils that justness of providing the long awaited pension hike of our SSS pensioners,” ani Zarate, na isa mga naghain ng panukala upang itaas ang pensyon.
Sinabi ni Zarate na sa pagdinig ng Kongreso sinabi ni SSS Chairman Amado Valdez na ang pagtataas ng kontribusyon ang huling opsyon ng ahensya. Maaari rin umanong magbigay ng subsidya ang gobyerno upang mapunan ang kakulangan sa pondo ng SSS.
Naniniwala si Zarate na isa lamang scare tactic ang sinasabing pagkalugi ng SSS dahil sa dagdag na pensyon.
“This is the same scare tactic used by the previous administration. It would be well for the three cabinet members to stop scaring the people, especially the president, for this phantom adverse effect once the current pension is increased,” dagdag pa ni Zarate.
Iniumang nina Finance Sec. Carlos Dominguez III, Budget Sec. Benjamin Diokno at National Economic and Development Authority Director-General Ernesto Pernia ang planong taasan ang premium ng SSS dahil kakapusin umano ang pondo nito.
Ayon kay dating Rep. Neri Colmenares kung totoo na mauubusan ng pondo ang SSS sa 2029, mayroon pang sapat na panahon ang ahensya upang humanap ng pondo maliban sa pagtataas ng premium.
“Assuming this is true, fourteen years is more than enough time for the government and SSS to find ways to increase its fund life.  In 2001, SSS declared that it has a fund life of only five years and yet it was able to increase this to 2042 in just 14 years. If it previously survived a five year fund life, then surely it can also survive a 14 year fund life. Truthfully speaking, we are in a better shape than the United Kingdom (UK) which has a fund life of only up to 2027 and Canada which has a fund life of 2022 or merely seven years,” ani Colmenares.
30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending