1 patay sa pagbaha sa Eastern Samar; 1,600 pamilya apektado
TAFT, Eastern Samar — PATAY ang isang magsasaka, samantalang apektado naman ang 1,600 pamilya sa nangyaring pagbaha sa 11 barangay matapos ang walang tigil na pag-ulan kamakalawa.
Natagpuang patay si Elpedio Zacate matapos siyang malunod dahil sa pagbaha s Barangay Mantang, Taft, Eastern Samar.
Huli siyang nakitang inaayos ang kanyang kalabaw Biyernes ng gabi sa takot na matangay ito ng pagbaha.
Sinabi ni Municipal Disaster and Risk Reduction Management Council (MDRRMC) head Gaspar Yuhan na 11 barangay ang binaha kung saan 1,694 na pamilya ang apektado.
Kabilang sa apektado ay ang Barangay Mabuhay, 255 pamilya; Danao, 125; Bangdo, 120; Malinao, 228; Del Remedios 151; San Pablo, 174; Binaluan, 186; Lumatud, 167; Pangabutanp, 93; Gayam, 98; at Beto, 97.
Idinagdag ni Yuhan na nakatakdang makipagpulong ang mga opisyal ng munisipyo.
Chief Insp. Don Archie Suspeñe, deputy group commander ng Eastern Samar Police Public Safety Company, na naiulat ang landslide sa bulubunduking barangay ng Bagacay sa bayan ng Hinabangan, Samar at San Rafael, sa Taft, Eastern Samar.
Walang namang napaulat na nasaktan sa landslide na nagresulta para mabarhan ang kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.