Uge mas feel maging box-office hit ang ‘Babae Sa Septic Tank 2’ kesa magwaging best actress
ANG ganda ng mood ni Eugene Domingo sa nakaraang presscon ng MMFF 2016 entry nilang “Ang Babae Sa Septik Tank 2: Forever Is Not Enough.”
May nagpapasaya na kasi ngayon sa komedyana – isang Italyano raw ang bago niyang boyfriend ngayon.
“Sinabi ko sa kanya na bukas may presscon kami so don’t be surprised because your name is coming out. Sabi niya, ‘Okay, it’s up to you as long as you’re happy. Well, I’m happy to announce his name is Danilo and he’s older than me, he’s in his 50s,” masayang kuwento ng aktres.
Long distance relationship ang namamagitan sa kanila ng Italian guy, “It is at times because you really miss each other but it also helps you to be more creative and mas naa-appreciate n’yo your time together. That’s why pag meron akong nakikita na lovers together tapos nag-aaway, gusto kong sabihing ang sarap nga ng buhay n’yo magkasama kayo, bat di na lang kayo mag-enjoy?”
Si Uge ang gumagawa ng paraan para magkita sila ni Danilo, pinupuntahan daw niya ito kapag pinapayagan siya ng mga producers ng kanyang mga show na magbakasyon sandali.
Tama rin naman dahil ang babae talaga ang nagdadala sa isang relasyon para magtagal ito, di ba bossing Ervin. (Hay naku, Reggs, huwag mo na akong idamay diyan! Ha-hahaha! – Ed)
Samantala, excited na ang buong cast ng pelikulang “Ang Babae Sa Septik Tank 2: Forever Is Not Enough” sa mangyayari ngayong Metro Manila Film Festival 2016 dahil mas malaki at mas malawak raw ngayon ang sequel ng pelikula ni Eugene.
q q q
Sa tanong kung pressured ba silang grupo na baka hindi maging successful ang filmfest this year kumpara sa mga nakaraan dahil walang malalaking artista raw ang kasama ngayon, tugon ni Uge, “Wala, hindi kami nape-pressure, eh kasi, we’re just very proud of the films and they have eight films to choose from. We’re really not competing. Lahat kami, we support each other’s film.
“At saka, nakakatuwa rin na napalabas na nang una sina Bossing Vic (Sotto) saka kina Vice Ganda. Parang lahat masaya naman, eh,” paliwanag ng aktres.
Sabi pa nito, “Gusto ko lang sabihin na let’s not destroy each other, let’s not ruin each other’s creativity.
“Everybody has the right to express their art in any way. Let’s support each other. Come’on, we should be proud kasi meron tayong pelikula.
“Ang ibang bansa, wala nang pelikula, nanonood na lang sa internet. Pero tayo, may sine pa rin at buhay na buhay. Come on people, let’s support each other,” mahabang paliwanag ni Uge sa mga isyung kinasasangkutan ng MMFF organizers.
Siguradong magiging hit ito dahil maganda naman ang iniwang record ng part one ng “Ang Babae Sa Septic Tank.”
“Sana po, sana po, gusto po namin ‘yun. Sana, sana talaga. And kasama din dun na sana talaga, panoorin nila lahat. ‘Yun lang naman ‘yun.
“I cried, not only because nasama ‘yung Septic Tank but also for myself. Di ba, I was out for almost two years, I did not expect it so much.
“This is really a gift. For an actress na gagawa ng pelikula tapos gustong-gusto niya, tapos parang ang ganda ng pagtanggap, this is overwhelming and for me, being here again is really the second time sweetest, di ba? This is the sweetest time for me,” pagtatapat ni Uge.
Ayon sa ilang katoto baka si Uge pa ang tanghaling “festival queen” dahil posible nga raw siyang maging best actress sa MMFF this year. Pero para sa komedyana mas gusto niyang box-office hit ang kanilang pelikula kesa manalong best actress.
Mapapanood na ang entry nina Uge ngayong Dis. 25 mula sa direksyon ni Marlon Rivera. Makakasama rin dito sina Jericho Rosales, Kean Cipriano, Cai Cortez, Khalil Ramos at Joel Torre na puring-puri rin ni Uge, under Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions at Buchi Boy Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.