Ruby: Hindi magbabago ang pagmamahal ko kay Maine!
MARIING itinanggi ng TV host-comedienne na si Ruby Rodriguez ang tsismis na may “silent war” sila ni Maine Mendoza.
May kumalat kasing balita na nagpaplastikan lang daw ang dalawa kapag nagkikita sa Eat Bulaga at iba pang showbiz o private events. Bukod dito, may chika rin na number one hater daw siya ng AlDub loveteam. Sa kanyang Twitter account, ibinandera ni Ruby ang pagmamahal niya kay Maine.
May nag-tweet kay Ruby na huwag na lang pansinin ang mga bashers na nang-iintriga sa kanila ni Maine at sana raw ay totoong mahal niya si Yaya Dub. Sinagot ito ni Ruby ng, “Oo naman, yung Love kay Meng di magbabago. Sabihan na ko kung ano ano names ok lang. Di naman alam ang whole truth.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.