INAMIN ng isang opisyal ng National Printing Office (NPO) na napilitan siyang sumama sa mga nagsagawa ng mass resignation noong November 21 dahil sa pakikisama.
Sa kanyang liham kay NPO Director Francisco Vales Jr., sinabi ni Jennifer Tomas na napilitan lamang siyang sumama sa mga nagbitiw sa posisyon.
Humirit rin siya sa pinuno ng NPO na makabalik sa kanyang mother unit.
Nag-ugat ang kontrobersiya ng panghimasukan umano ng isang NPO official ang kontrata kaugnay P74 milyon contract na pinasok ng Social Security System (SSS) sa NPO.
Para ito sa pag-iimprenta ng mga contribution forms ng SSS.
Nakuha ng Western Visayas Printing Corp. ang kontrata pero nagkaroon ng problema nang isawsaw ang isang NPO official ang kanyang kamay sa proyekto.
Biglang lumutang ang tatlong mga printers dahil sa sinasabing pakikialam ng isang NPO official na
nagpapakilalang malakas kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang dito ang Best Forms Security Printer, Tri-Print Work at Metro Color Company.
Kaagad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Presidential Communication Office na siyang may sakop sa NPO pero marami ang hindi satisfied dito sa ginawang internal probe ni Usec. Enrique Tandan.
Hanggang ngayon ay hindi pa isinasapubliko ang utak sa kalokohang ito.
Dahil sa pressure ay nagbitiw sa pwesto ang pakialamerong
opisyal pero hindi dapat dito magtapos ang kwento dahil dapat imbestigahan rin ang sinasabing “goodwill money” na umano’y tinanggap ng nagbitiw na NPO officer.
Naniniwala ang mga NPO workers na maayos ang gusot sa loob ng ehensya ngayong wala na ang opisyal na muntik maging ugat ng mga kurapsyon doon.
Pero hangad rin nila na maimbestigahan rin ang mga posibleng galamay nito sa katiwalian.
Sinabi ng ating Cricket na kaya pala hindi mailabas-labas ng PCO official
ang desisyon sa nabistong kalokohan
sa ahensya ay dahil si Tandan, ang may-ari ng Metro Color na si Celso Viray at ang kontrobersiyal na NPO official ay pare-parehong mga Mason.
Ang opisyal ng NPO na bumitiw sa pwesto dahil sa takot na makastigo sa publiko ay si Mr. S….as in Singaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.