Blackwater Elite giniba ang NLEX Road Warriors | Bandera

Blackwater Elite giniba ang NLEX Road Warriors

Melvin Sarangay , |December 14,2016
facebook
share this

Blackwater Elite giniba ang NLEX Road Warriors

Melvin Sarangay - , December 14, 2016 - 11:00 PM

Mga Laro sa Biyernes
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. TNT KaTropa vs Phoenix Petroleum
7 p.m. Barangay Ginebra vs Mahindra

SINAMANTALA ng Blackwater Elite ang pagkawala ng ilang key players ng NLEX Road Warriors para itala ang tambakang panalo, 96-85, sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup game Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kumamada si Art dela Cruz ng 18 puntos para bumida sa Blackwater na pinutol ang two-game losing skid at nahablot ang kauna-unahang panalo sa pitong paghaharap nila ng NLEX.

“We needed this victory to propel us back to our winning ways and hopefully we can continue on with this momentum,” sabi ni Blackwater coach Leo Isaac, na ang  koponan ay umangat sa 3-2 kartada.

Si Carlo Lastimosa ay gumawa ng 23 puntos — na mataas ng 11 puntos sa kanyang conference average — para pangunahan ang lahat ng scorers subalit napatalsik siya sa laro matapos mapatawan ng ikalawang technical foul may 2:35 ang nalalabi. Si Mac Baracael ang isa pang NLEX player na umiskor ng double figures sa itinalang 16 puntos.

Hindi nakapaglaro para sa Road Warriors ang mga injured players nitong sina Enrico Villanueva at Garvo Lanete habang si Paul Asi Taulava ay nakaranas ng migraine na naging daan para ang NLEX ay malasap ang ikatlong sunod na pagkatalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending