Lani napaiyak nang makarinig ng x-mas song; Ramon Revilla isinugod uli sa ICU
HINDI napigilan ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla ang maiyak habang kinakanta ng Philippine Movie Press Club carolers ang Tagalog Christmas song na “Sana Ngayong Pasko” during the flag ceremony ng mga kawani at piling non-government organizations na ginanap sa gymnasium ng Bacoor Government Center.
“Thank you very much for making our December 12, Monday, flag ceremony joyful sa pamamagitan ng inyong mga wonderful Christmas songs. Aaminin ko na may isang awitin kayo na naluha ako, oo,” pagbati ni Mayor Lani sa PMPC members.
Sa kanyang speech during the flag ceremony ay nabanggit na ni Mayor Lani ang tungkol sa naging desisyon ng Supreme Court sa apela nila na huwag nang ituloy ang pagdinig sa kasong isinampa laban sa kanyang mister at dating Sen. Bong Revilla.
“Last Tuesday binaba ng Supreme Court kasi ang paghatol nila regarding probable cause kaya, so, they decided na ituloy ang kaso despite our request. Pero wala dito ‘yung kaso na nagre-request kami for bail,” paliwanag ni Mayor Lani.
Nirerespeto daw nila ang desisyon ng Supreme Court. Magsisimula ang pagdinig sa kaso sa Sandigang Bayan on Jan. 17.
Kasunod nito, ipinasok nila sa ospital ang kanyang father-in-law, ang dating senador at action superstar na si Ramon Revilla, Sr..
“Medyo naging critical siya noong Saturday. Pero ngayon nasa ICU pa rin. He’s under observation. We just asked for prayers again, for him. Pneumonia, ‘yung detail hindi ko talaga alam. I have not read the medical certificate,” sabi ng alkalde.
Magna-90 years old na raw ang partirarch ng Revilla clan next year. Kaya doble raw ang lungkot ni Sen. Bong ngayon. This will be the third Christmas na sa loob ng PNP Custodial Center sila magkakasama-sama. Siyempre, dasal ni Mayor Lani na this will be the last time.
Speaking of Christmas, nakwento ni Mayora na may dumalaw kay Sen. Bong last Sunday.
“Fan niya. Bata pa lang ‘yun at ang una niyang pelikula na napanood ay Bong Revilla film. So, sabi niya, nami-miss niya ‘yung mga pelikula ni Sen. Bong, lalo na kami, kasi every Christmas may entry sa filmfest. Nakaka-miss talaga ‘yung mga panahon na may pelikula si Sen. Bong. Pero hindi pa rin, ah, in our hearts, hindi pa rin nawawala ‘yung kaligayahan ng Pasko,” pahayag pa niya.
Sa tindi ng pagsubok sa pamilya niya ngayon, humuhugot daw siya ng lakas una sa Panginoon, sunod sa myembro ng kanyang pamilya. Needless to say, wish ni Mayora ngayong Pasko ay ang makalabas na sa ospital si Daddy Ramon at huwag na ulit sila ma-Pasko sa loob ng Camp Crame.
q q q
Hindi naman nakaligtas si Mayor Lani Revilla tungkol sa nababalitang balikan nina Vice-Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria.
“Alam mo, maligaya ako kung saan maligaya ang anak ko. Kung saan siya inspirado, kung saan siya humuhugot ng lakas at inspirasyon, wala namang problema sa amin,” dagdag n niya.
Napilitan ding aminin ni Mayor Lani na nagkikita sila ni Jodi at present ang aktres sa mga important occasions ng pamilya nila, “Bahagi na siya ng pamilya. Basta lahat naman ng mga ini-introduce na girlfriend ng mga anak kong lalaki, e, siyempre bahagi na sila ng pamilya. At saka, kung paano ang pagmamahal ng anak ko, ganoon din ang pagmamahal naming sa kanila.”
Then, we asked her kung handa na ba siya sakaling magdesisyon si Jolo na pakasalan na si Jodi, “I think naghahanda-handa na ba? Siya na lang ang tanungin mo. Tanong ‘yun, ha! Naghahanda-handa na ba? Hindi ko sinabing naghahanda na, ha!”
Pero bago si Jolo, mauuna munang ikasal ang isa pang anak ni Sen. Bong na si Luigi sa Dec. 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.