4 na ka-loveteam ni Barbie dumaan sa madugong audition
DUMAAN din sa madugong audition ang bagong Primetime Heartthrobs ng GMA Network na sina Ivan Dorschner, Addy Raj, Jak Roberto at Ken Chan bago mapili bilang leading men ni Barbie Forteza sa bagong Kapuso primetime series na Meant To Be.
Mula nang ipakilala sa publiko ang apat, parami na nang parami ang kanilang fans at followers sa social media.
Fil-Am si Ivan mula sa Los Angeles, California. Natatandaan siya ng tao dahil siya ang hinalikan sa stage ni Katy Perry nu’ng 2012 Manila concert ng foreign singer.
Full-blooded Indian naman si Addy na na-in love sa bansa nang unang dumating dito bilang exchange student sa Ateneo de Manila University. Isa siyang sports buff, model at sumikat sa social media dahil sa kanyang Tagalog songs.
Of course, si Jak ngayon ang tinaguriang Pambansang Abs dahil sa ganda ng katawan at siksik na “pandesal.”
Naging bentahe niya ito kaya naman tambak na ang shows niya sa Kapuso Network gaya ng Bubble Gang, Dear Uge at Sunday PinaSaya paminsan-minsan.
Sa kanilang apat, si Ken ang nabigyan na ng biggest break sa drama series na Destiny Rose. Dahil sa galing pumapel bilang transgender, ginawaran siya ng Teleserye Actor Award sa PEP List Awards 2016.
Sa ngayon umaarangkada na sa social media ang hashtag na #VanBie, #AddBie, JakBie at KenBie, ang mga binuong loveteam ng kani-kanilang fans para sa nalalapit na pagsisimula ng Meant To Be sa GMA Telebabad, bilang unang pasabog ng Kapuso sa 2017.
Alamin kung kanino nga ba mapupuna ang karakter ni Barbie bilang si Billie? Will it be the Gentleman from United Kingdom (Ivan), the Naughty Guy from Mumbai (Addy), the Pure Pinoy Promdi (Jak) or the Chinoy Bad Boy (Ken)?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.