Mocha planong sumabak sa mundo ng politika kaya talak ng talak? | Bandera

Mocha planong sumabak sa mundo ng politika kaya talak ng talak?

Cristy Fermin - December 13, 2016 - 12:35 AM

mocha uson

MARAMING nang-uusisa sa amin kung may plano bang kumandidato sa susunod na halalan si Mocha Uson? Kung meron daw ay napakaaga niya namang nagpaparamdam.

Kung wala raw naman siyang planong makilahok sa mundo ng pulitika ay asikasuhin niya na lang muna ang napasimulan niyang career bilang singer na nagpapaseksi sa entablado.

Komento ng isang kausap namin, “Okey lang na mulat siya sa mga issue ng ating bayan, pero huwag naman sanang ganyan na lahat na lang ng issue, e, pinakikialaman ni Mocha!

“Active pa ba siya sa pagpe-perform? May mga shows pa ba ang grupo niya? Baka naman sa kagaganyan niya, e, mapabayaan na niya ang career niya? Sobrang visible nga niya, pero hindi naman sa stage, laman siya ng social media!

“Ang dami-daming nagagalit sa kanya, patol naman siya nang patol, kung sinu-sinong politicians ang pinipintasan niya na akala mo naman kung siya ang mauupo, e perfect siya!” naiinis na komento ng aming kaibigan.

Hinay-hinay lang ang payo ng marami kay Mocha Uson. Walang masama sa paglalabas ng opinyon, pero sana’y gawin niya ‘yun sa isang paraan na wala siyang kinikilingan, ‘yung parehas lang ang kanyang saloobin.

Balik ng aming source, “Tumigil na siya, mukha niya!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending