Baron: Bumalik ako sa pag-inom pero hindi po ako nagdodroga! | Bandera

Baron: Bumalik ako sa pag-inom pero hindi po ako nagdodroga!

Ambet Nabus |December 13,2016
facebook
share this

Baron: Bumalik ako sa pag-inom pero hindi po ako nagdodroga!

Ambet Nabus - December 13, 2016 - 12:25 AM

baron

“I believe na talagang he needs professional help,” ang sagot ni direk Ricky Davao nang kunan namin ito ng pahayag hinggil sa isyu ni Baron Geisler.

Mukha raw kasing nag-eenjoy na si Baron sa mga kontrobersya at iskandalo na kinasasangkutan niya at tila hindi na nito namamalayan ang normal sa hindi.

“Sayang siya. Pero mukhang hindi niya yun masyadong nararamdaman kasi nakapokus siya sa mga ganting sagot at pahayag imbes na tingnan din niya ang kabuuan ng isyu. Something really is very wrong that needs professional care,” saad pa nito sabay agree na tama lang ang parusang ipinataw sa aktor ng PAMI.
Mariin namang itinanggi ni Baron ang balitang bangag siya sa droga nang ihian niya si Ping Medina sa shooting ng pelikulang “Bubog”.

“I made a creative decision to do it. My character is supposed to be like a big shot drug dealer na konektado sa pulis so naisip ko dahil ang powerful bago kita patayin iihian kita,” paliwanag ni Baron sa panayam ni Korina Sanchez sa Rated K last Sunday.

“And me being high no Ma’am (Korina). I do not take drugs kahit any time ipa-drug test niyo ako,” paghamon pa ng aktor.

Hindi rin daw siya lasing that time pero umaming nakainom siya ng ilang bote ng alak, “Pero mali pa rin ako dahil uminom pa rin ako sa set. Tanggap ko yun. I’m really sorry.”

Dito rin inamin ni Baron na bumalik siya sa paglaklak ng alak matapos magpa-rehab noong 2011.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending