Senior citizens, PWDs tax exemption nanganganib | Bandera

Senior citizens, PWDs tax exemption nanganganib

Jake Maderazo - December 12, 2016 - 12:05 AM

KUNG merong isyu na magpapayanig sa Duterte administration ay itong pagpupumilit ni Finance Secretary Carlos Dominguez na alisin ang 12 percent VAT exemption sa mga senior citizen at mga persons with disabilities (PWDs).
Ayon kay Dominguez, dapat daw magsakripisyo ang mga senior citizens lalo na sa pagkain sa mga restoran. Pero, yun daw VAT exemption sa mga gamot at mga ospital ay mananatili.
Itong sina House Speaker Pantaleon Alvarez ay hindi raw papayag na maalis ang VAT exemption; pero tahimik naman sa isyu si Senate President Koko Pimentel.
Sa ngayon, aprubado na ang P3.35 trilyong budget para sa 2017 at i-naayos na lamang ng mga senador at kongresista ang kanilang bersyon bago isalang sa Bicameral conference committee at lagdaan ng pangulo bago mag-Pasko.
Sa madaling salita, ito ang panahon ng mga madaliang “horse-tra-ding”, “singitan” at “one-for-you-one-for-me” ng mga mambabatas at Ca-binet members.
Kaya kinakabahan ako lalo’t pilit nang pilit itong si Secretary Dominguez sa kanyang “tax reform package”. Hindi ako magtataka na magkaroon sila ng compromised agreement habang tayo ay naghahanda sa Pasko, na sa dakong huli ay pahihirapan ang mga senior ci-tizens at PWDs.
Dito ko ngayon susukatin kung totoo ang pro-poor policy ni Pa-ngulong Duterte.
Sa ngayon, merong 20 percent discount ang mga seniors sa mga restoran at 12% VAT e-xemption; at napakalaki talagang tulong nito. Kung intensyon ni Dominguez na alisin ang 12 percent VAT ng mga seniors at PWDs, siguro hindi niya alam ang super lakas na impact nito sa mamamayan.
Alam ba niya na kaya kasama sa mga kainan ng pamilya ang mga “seniors” at PWDs ngayon dahil meron silang 32 percent discount? Ibig sabihin hindi sila pasanin ng kaanak masyado. Bukod sa nakatitipid ang mag-anak, ang “bonding” ng mga lolo at lola ay napakaimportante at sa pananaw ng marami, ang discount ay pagkilala ng gobyerno sa kanilang naimbag sa pamayanan noon.
Sa totoo lang, tapos na ang mga debate sa mga biyayang ito ng seniors at PWDs. Batas na ang RA 9994 at RA s10465 para sa mga Seniors at para sa mga may kapansanan, ang RA 10745 ay pasado na rin bagamat wala pang IRR ang DSWD.
Ang sabi niya, kabilang sa “loopholes” ng VAT ang mga exemption sa seniors at PWD’s na aabot daw ng P8 bilyon bawat taon. At kailangan daw bawiin ito lalo’t ibababa nila ang “income tax rate” sa 25 percent sa halip na 32%.
Nandoon na ako. Pero, bakit hindi babaan ng mga senador at kongresista ang kanilang “pet projects”? Bakit hindi a-lisin ang mga “tax incentives” sa mga malalaking kumpanya? Bakit hindi bawasan ang mga intelligence funds ng Pangulo, senado at lahat ng ahensya ng gobyerno?
Dito ako kinakabahan sa bicameral lalo na sa “horse-trading” na asahan natin na kanilang gagawin. Sila-sila na lang ang mag-uusap diyan at sa dakong huli, mababalewala na ang ating pinaghirapan.
Sec. Dominguez, mga senador at kongresista, wag ninyong maliitin ang mga senior citizens at mga may kapansanan. Tinatamasa, pinakikinabangan ito nang husto, at nagpapasalamat ang mga tao sa discounts. Bakit ninyo pinag-iinitan at gusto pang alisin ngayon? Kapag itinuloy ninyo iyan, maghahalo na ang balat sa tinalupan, mga damuho!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending