Promise ng MMFF sa magic 8: Walang 1st day last day entry sa Pasko! | Bandera

Promise ng MMFF sa magic 8: Walang 1st day last day entry sa Pasko!

Reggee Bonoan - December 12, 2016 - 12:01 AM

mmff

MAY open forum ulit ang ilang miyembro ng 2016 Metro Manila Film Festival selection committee sa pangunguna ni Chairman Nicanor Tiongson kamakailan na ginanap sa Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Flores.

Sa pagharap ng ilang miyembro ng screening committee sa ilang miyembro ng media ay muling napag-usapan ang tungkol sa pagkakapili sa walong pelikulang mapapanood simula sa Dec. 25: ang “Saving Sally”, “Sunday Beauty Queen”, “Oro”, “Ang Babae Sa Septik Tank 2: Forever Is Not Enough”, “Die Beautiful”, “Vince & Kath & James”, “Seklusyon” at “Kabi-sera.”

Tulad ng mga napag-u-sapan sa unang presscon ng MMFF ay muli nilang binanggit na ang napiling Magic 8 ang pumasa sa criteria na kanilang hinahanap para sa taunang filmfest, sinunod lang daw nila kung ano ang nararapat.

Sana raw ay maintindihan ng ibang producers at mga artista na hindi napasama sa Magic 8 na may criteria silang sinunod.

Napag-usapan din na ma-labong makuha ng MMFF ang target revenue nilang P1.5 billion dahil wala ang mga pelikula nina Vic Sotto at Vice Ganda/Coco Martin na taun-taon ay malaki ang kinikita nito kaya malaki ang napupunta rin sa beneficiaries ng nasabing ahensya.

Pero dahil pawang indie films ang pumasok at ‘yung ibang commercial films ay hindi naman daw ganu’n kalakas ang appeal sa masa ay posibleng mag-first day, last day sa sinehan dahil tiyak na lugi naman ang theater owners kung patuloy nilang ipalalabas ang mga pelikula na walang tao.

Pero agad naman itong sinangga ng isa sa miyembro ng MMFF selection committee na si Moira Lang at in-charge sa playdate at monitoring ng mga palabas, “Wala pong first day, last day dahil nakiusap po kami sa theater owners na pagbigyan ang mga hindi kumita ng first day.

“Kasi katulad po ng ‘He-neral Luna’, mahina po talaga siya sa first day o ilang araw pa, pero nu’ng kumalat na ang ba-litang maganda ay biglang lumakas at nakailang linggo na ito sa sinehan.

Paliwanag ni Mr. Lang, “Kasi, kapag nagkaroon na ng word of mouth, pagpunta ng mga tao na hindi pa nakakapanood, dapat nandun pa rin yung palabas nila. So, ‘yun ‘yung talagang tina-try namin na i-explain sa mga cinema – na lahat ng walo nandiyan pa rin sila hanggang sa last day ng festival.”

Kaya nakikiusap ang mga opisyal ng MMFF na sana’y magtulungan lahat para maging successful ang festival ngayong taon.

“Kaya nga kailangan ng lahat ng tulong ng lahat ng sectors para sana suportahan yung lahat ng walong yun. Now, we only have one entry from a big studio, the rest are new and small film companies.
“So, sana hindi mangyari na after the second day, biglang tatlo na lang yung palabas,” ani Mr. Lang.

q q q

Natanong din ang Mowelfund Chairman na si Ms. Boots Anson-Rodrigo na kung hindi kumita nang malaki ang MMFF 2016 ay tiyak na apektado ang ahensiya niya na umaasa, “Let me speak (for) two bodies, one is Mowelfund the biggest beneficiary of MMFF. Historically, ang Mowelfund po and other beneficiaries, ang ibinibigay po ng MMFF po sa kanila like 70% of their operational cost for the year, so sanay po kami na mag-cost cutting kung kailangan. Mag-outsources ng funding kung kailangan.

“And this is done without any complain, ang importante lamang po ay ang accounting, ang funding ng finances ay transparent. Okay na po kami roon.

“Pero kung sakali, we are ready for that, hindi po namin masamain iyon, alam naman ninyo na boy scout ant girl scout kapag kailangan, e, di mag-a-adjust. Ang importante lang po sa amin ay huwag kaming mawalan ng resources para sa mga beneficiaries namin.

“All these years kahit na mababang-mababa ang natatanggap namin from the MMFF, hindi po kami pumapalya sa aming thousand of be-neficiaries. If we have to cut a cost in other areas, we would do that. Kung kailangang manglimos kami sa mga agencies and sponsors, gagawin namin ‘yun. Kung kailangan naming maging creative sa mga fund raising namin, we will be creative. Pumasok na nga po kami sa karera ng kabayo para maka-raise ng funds. That’s how creative we’re trying to get, so that’s is one aspect.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And the another aspect is, yes may predictability about pro-bably returns being diminished. Pero naniniwala po kami in advertising, in marketing of any product pag magaling ang produkto mo, it will really just take introducing your products in the market, introducing them well, marketing them well,” pahayag pa ng veteran actress.

Kaya umaasa ang buong MMFF na sana tangkilikin lahat ang walong pelikulang ipalalabas sa Dec. 25.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending