Ai Ai pinuri si Duterte sa ibinigay na P2-B 'pamasko' para sa mga Pilipino | Bandera

Ai Ai pinuri si Duterte sa ibinigay na P2-B ‘pamasko’ para sa mga Pilipino

Jun Nardo - December 10, 2016 - 12:20 AM

aiai delas alas at rodrigo duterte

KINUYOG ng fans ni Ai Ai delas Alas ang isang follower niyang nagkomento sa pagsuporta ng Comedy Queen kay Presidente Digong Duterte.

Naunang ipinost ni Ai Ai ang tungkol sa feast ng Immaculate Conception last Dec. 8. Pinaalalahanan niyang magsimba sa araw na ‘yon dahil isa ito sa holiday of obligation ng bawat Katoliko.

Sinundan ito ng mensahe niya tungkol sa P2 billion pondo na inilaan ng Duterte government para sa libreng gamot na ipamamahagit sa mga mamamayang Pilipino.

“Magandang balita sa pasko…maraming salamat po. Isasama ko kayo sa aking dalangin na kayo ay protektahan upang maging mapayapa na ang pilipinas at maipagpatuloy ninyo ang inyong magagandang adhikain para sa mga Pilipino,” sabi ng Comedy Queen.

May naligaw na komento na bumanat sa post ni Ai Ai. Hayun at niratrat siya ng panlalait to the max na tinawag pang tonta ng fans ng Kapuso TV host-comedienne!

Sa huli naming pakikipag-usap kay Ai Ai sa pictorial ng bagong endorsement niyang Natural Blend coffee, ipinakilala niya ang bago niyang discovery na bagets, si Jelai Espino.

Thirteen years old pa lang si Jelai pero bata pa lang daw siya ay hilig na niyang mag-artista. Idols niya sina Vilma Santos at Ai Ai. Kaya nang magsama sila sa isang endorsement, halos mangiyak-ngiyak sa tuwa ang teenager, huh!

Aba, kahit millennial si Jelai, knows pa rin niya ang senior actresses natin, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending