Banta ni Ka Roger | Bandera

Banta ni Ka Roger

Lito Bautista - December 09, 2016 - 12:10 AM

KUNG ang panalangin ay nagagawa lamang upang pagtakpan ang maruming pamumuhay, ang pagdarasal ay pagsasayang lamang dahil di ito pakikinggan ng Diyos. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 26:1-6; Slm 118; Mt 7:21, 24-27) sa unang linggo ng Adbiyento.
Hindi nagdarasal ang pangulo, bagaman minsan ay binanggit niya ang Diyos. Tatlong kilalang babae ang nagdarasal nang tila taimtim, pero sa kanilang buhay publiko ay di naman nasasalamin ito. Kaya sunud-sunod ang kamalasan nila sa buhay.

Sa bista ng Maureen Haltman case, na ang akusado ay si Claudio Teehankee Jr., hindi nag-cross ang batikang crimlawyer na si Rudy Jimenez (branch clerk ni Justice Manuel Pamaran sa kinatatakutang Manila Circuit Criminal Court, na ang heinous crime ay binibistahan hanggang alas-10 n.g., para mahatulan) pagkatapos ng direct testimony ni Leno.

Iyan ang ginawa ni D5. Di siya nag-cross kina Ronnie Dayan at Kerwin Espinosa. “When confronted with a damning evidence, don’t cross,” iyan ang turo’t payo sa law students ng kanilang mga prof na judges at justices. Kapag nag-cross, madidiin lamang si D5.

Oratoryo ang ginawa ni D5. Madamdamin ang oratoryo, tigib ng poot at galit, lalo na sa pangulo, kina Bato at Alvarez. Ang Kongreso ay pook-oratoryo, pero hindi ng mambabatas na nahubaran ng kalinisan at moralidad. Poot sa US ang oratory ng mga kontra-base noon. Kaya hayun, ibinalik din ang mga Kano.

Si D5 ay sakit na ng ulo ng taumbayan. Gumagasta ang taumbayan sa bawat pagsisinungaling at pagtatakip ni D5 sa kanyang matagal na panahong pagkakasala. May pananaliksik at biyahe rin na tinustusan ng pera ng bayan para lamang iharap si Matobato, na puro kasinungalinangan lang ang inihayag. Sana’y mag-ingat naman ang mga senador sa paggasta ng pera natin.

Nakatanggap ako ng pagbabanta mula kay Gregorio Rosal dahil sa aking paninindigan sa singit na kolum sa Bandera (Ingles pa noon), na: Extortionists passing off as communists; communists passing off as nationalists. Wala pang SM mall (nagbukas ng mall si Henry Sy di sa pusod ng Lucena kundi sa Dalahican, na malayo sa kabisera) sa Quezon noon at mas lalong ayaw mamuhunan ng Gokongwei, ang unang may-ari ng Bandera, sa lalawigan ng extortionists.

Nai-radyo ng mga istasyon sa Lucena ang galit na pagbabanta ni Ka Roger: Ikaw Lito Bautista! Namumuro ka na! Di ko alam ang ibig sabihin ng “namumuro,” hanggang sa nakausap ko ang tauhan ni Ka Bart, na nahuli pagkatapos ng ilang taon, sa Barangay Lower Iyam, Lucena (“nasa” Upper Iyam lang ako).

Malinaw na ayaw marinig ng mga komunista ang akusasyong extortionists. Pero, ito mismo ang ginagawa ng mga komunista sa Mindanao, na dedma lang kay Digong, mayor man siya o pangulo na. Hanggang ngayon (huling biktima ay YBL buses), patuloy ang extortion ng mga komunista. Sinusunog ang mga bus, heavy equipment ng malalaking construction companies, at maging gobyerno, kapag di “nakabayad” ng revolutionary tax.

Sa serye ng peace negos, at sa lalagdaang peace ag, wala ang “cessation of collection of revolutionary taxes.” Ang mga komunista ay nangingikil ng pera, kaban-kabang bigas, atbp., sa small businesses, tulad ng ginagawa nila sa Calinan at Toril (Davao City), Kiamba, Alegria, San Jose sa Alabel, Sarangani (teritoryo pa ni Pacquiao).

Kumober ako ng mga kasong kriminal, karamihan ay murder, na isinampa laban sa mga sundalo ng Army at PC noong martial law. Sa kasong murder sa military commission sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal na isinampa ng mahihirap na residente ng Balibago, Cabuyao, umareglo’t nagbayad ang sundalo bago pa man ibaba ang hatol. Maraming rin namang abusadong sundalo ng PC at PA ang nakulong at itinapon sa hard labor.

PANALANGIN: Tulungan mo kaming talikuran ang pagkamakasarili. Turuan mo kaming hangarin ang kapakanan ng mahihirap. Fr. Mar Ladra, Diocese of Malolos.

MULA sa bayan (0916-5401958): Dito sa Ilocos, inaabangan na namin ang estudyanteng babae na tangan ang karatulang F..k U Marcos. …3287

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang kinalaman ang provincial officials ng Catanduanes sa shabu lab. …1660

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending