Iya, Drew may pasabog agad sa pagpasok ng 2017
MUKHANG magiging busy ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania sa pagpasok ng 2017 dahil bukod sa pag-aalaga sa kanilang unico hijo na si Primo, meron silang bagong programang gagawin sa GMA 7.
Muling magkakatrabaho ang mag-asawa sa susunod na taon – sila ang magiging host ng bagong comedy game show ng Kapuso Network na pinamagatang People vs. The Stars.
Balita namin, kakaiba ang comedy programa na ito dahil mas makulit at mas nakakaaliw na Iya at Drew ang mapapanood ng Mga loyal Kapuso.
Sila rin ang magsisilbing mediator ng taong-bayan na lalaban sa mga artistang nais makuha ang cash prize sa mga challenges na ipagagawa nina Iya at Drew. Mukhang maganda at nakaka-good vibes ang comedy game show na ito dahil bukod sa makakapaglaro ka na kasama ang idol mo, mag-e-enjoy ka pa sa mga papremyo!
Ngayong pa lang ay siguradong inaabangan na ito ng mga manonood, kaya siguradong sa pagpasok pa lang ng Bagong Taon ay may bonggang pasabog agad sina Iya at Drew.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.