KC biglang lumaki ang tiyan, buntis nga ba?
BUNTIS nga ba ang TV host-actress na si KC Concepcion?
Isang Instagram follower kasi ni KC ang nag-comment sa isang litrato na ipinost niya kamakailan. Ito ‘yung nakatayo siya sa harap ng isang Christmas tree na halos lumuwa na ang kanyang boobs.
Sa nasabing photo, ito ang caption na inilagay ng anak ni Megastar Sharon Cuneta: “What is jetlag? Nothing when you’re having dinner by the wharf, overlooking the water & charming little yachts. But for now, a photo by the tree to celebrate the holiday season! [In Australian clothing brand @sassandbide ofc].”
May isang basher ang nagsabi na mukhang malaki raw ang tiyan ni KC sa nasabing photo kaya ang paniniwala niya ay buntis na ito courtesy of her boyfriend Aly Borromeo.
Nu’ng makita namin ang litrato ni KC, mukhang big nga ang kanyang tummy kaya hindi rin niya masisisi ang netizen na isiping pregnant nga siya.
Agad namang binasag ng aktres ang trip ng basher at diretso nitong sinabi na hindi siya buntis.
“Hahaha! Sorry to disappoint, but I’m not pregnant! I just had too much to eat for dinner. Check my IG STORIES! Sarap eh! Kace,” ang reply ni KC.
Sa pagkakaalam namin, nasa Sydney, Australia ngayon si KC para sa ilang commitments. Hindi lang namin sure kung nandoon din ang boyfriend niyang football player na si Aly Borromeo.
Pero ayon sa ilang followers ng aktres, posibleng kasama nga ni KC ang binata sa Australia na laging gumaganap na bodyguard at alalay niya sa kanyang mga out of the country trips.
Well, kung buntis man si KC, feeling namin ay handa naman siyang panagutan ni Aly. Kitang-kita naman sa kanilang mga picture na super in love talaga sila sa isa’t isa.
Tsaka nasa tamang edad na naman ang aktres para magkaroon ng sarili niyang pamilya.
But for sure, kung true nga na nagdadalang-tao na si KC, si Mega ang unang matutuwa dahil matagal na niyang gustong magkaapo, di ba?
Very open naman si Sharon sa pagsasabi na gusto na niyang magkaroon ng apo kay KC, pero sana raw kasal muna bago baby!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.