Confirmation ng CA parang dumadaan sa karayom | Bandera

Confirmation ng CA parang dumadaan sa karayom

Ramon Tulfo - December 08, 2016 - 12:10 AM

NA-CONFIRM ng Commission on Appointments (CA) ang kapatid ko na si Tourism Secretary Wanda Teo.

Dumaan siya sa butas ng karayom upang maipasa ang kanyang appointment sa CA.

Ang CA ay the most powerful body sa dalawang magkasanib na kapulungan ng Kongreso, ang Kamara at Senado.

Kapag isang miyembro ng CA ang ayaw sa isang presidential appointee, hindi papasa ang appointment nito.

Ang mga miyembro ng CA ay piling-piling mga congressmen or women and senators.

Ang CA kasi ay bicameral o kinabibila-ngan ng both houses of Congress.

Mahirap makapasa sa CA at gaya nang sinabi ko kanina, parang dumadaan sa butas ng karayom.

Ilang linggo bago ang CA confirmation hearing kahapon, tinanong ako ni Wanda kung ano ang kanyang gagawin upang siya’y ma-confirm.

Marami na kasing mga Cabinet members, especially noong panahon ni Pangulong Gloria, na nire-reappoint lang dahil hindi nabigyan ng approval ng CA ang kanilang appointments.

Sinabi ko kay Wanda na dapat ay makipag-PR o makipagkilala siya sa lahat ng miyembro ng CA.

Dapat siyang magpakumbaba sa harap ng mga miyembro ng CA, lalo na sa confirmation hearing kung saan maraming itatanong sa kanya.

Sinabi ko rin kay Wanda na sagutin niya nang matuwid ang mga tanong ng bawa’t CA member at huwag siyang magdagdag o magbawas sa kanyang mga sagot.

Sasabihin ko sa inyo, very stressful ang CA confirmation hearing: Parang ginigisa ang nakasalang na presidential appointee.

Kapag ang candidate ay nagkamali ng pagsagot o kaya ay nagpakita ng pagkainis sa mga tanong, tiyak bagsak ito.

At kapag rejected ang appointment, ire-reappoint ng Pangulo ang kanyang Cabinet member hanggang siya’y makapasa sa next CA hearing.

Pero kapag hindi pa nakapasa ng ilang beses ang isang kandidato, mapipilitan ang Presidente na palitan siya.

Sabi sa akin ni Wanda, hindi siya nakatulog sa pag-alala na baka hindi siya makapasa sa CA dahil maraming may galit sa akin na mga kongresista at senador.

Baka raw ang galit sa akin ng mga mambabatas na miyembro ng CA ay ibunton sa kanya.

Nakahinga nang maluwag si Wanda nang ma-confirm ang kanyang appointment bilang secretary of tourism.

Anong gagawin niya mga ilang araw matapos siyang ma-confirm, tanong ko kay Wanda.

“Sa darating na Sabado at Linggo ay relax-relax muna ako sa bahay, Kuya, at pupunta sa simbahan upang magpasalamat na ako’y na-confirm,” ang sagot ng kapatid kong pangatlo sa akin.

Ako kasi ang panganay sa 10 magkakapatid na Tulfo.

“Very stressful ang pinagdaanan ko,” dagdag pa ni Wanda.

Congratulations, Wanda!

Sa mga miyembro ng CA, maraming salamat sa inyong pagtitiwala sa kakayahan ng aking kapatid.

Rubout o salvage ang pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, sabi ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kahit na isang bobong mamamayan ay magsasabing sinalvage si Espinosa ng mga pulis na pumasok sa Leyte sub-provincial jail kung saan siya nakakulong.

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ginawa ng mga pulis kay Espinosa.

Ang hirap sa mga pulis na nagsagawa ng pagsalvage, masyadong garapal sila.

At siste pa nito, ginagawa nilang tanga o bobo ang sambayanang Pilipino na gaya nila.

Biruin mong sabihin sa publiko na nakipagbarilan daw si Espinosa sa kanila, samantalang nasa loob ito ng selda.

Sa kanilang kabobohan, nag-aplay pa sila ng search warrant sa isa namang napakatangang judge ng Basey, Eastern Samar!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oo nga’t masamang tao si Mayor Espinosa dahil siya at ang kanyang anak na si Kerwin ay sumira ng buhay ng libu-libo katao sa Leyte at Samar, pero bakit pa gawing garapalan ang pagligpit sa kanya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending