Paolo nahirapang umihi dahil sa Die Beautiful: Apektado po si jun-jun ko!
BIGGEST break sa showbiz ni Paolo Ballesteros ang Regal at IdeaFirst Company production na “Die Beautiful”. Sa mahigit isang dekada niya sa showbiz, ngayon lang siya nabigyan ng solo-starrer.
“Excited kasi hindi lang ako artista rito, make up artist din! Ha! Ha! Ha! Hindi lang kami nag-prepare dito emotionally and physically, nandoon pa rin ang bakas ng packing tape sa katawan. Hindi pa nawawala. Forever na! Ha! Ha! Ha! Ayaw na niyang matanggal.
“It’s not only full of world but passion work ni direk Jun Lana and we’re very thankful for that,” sabi ni Paolo.
Kuwento nga niya nu’ng bago ang awards night sa Tokyo International Film Festival kung saan hinirang siyang Best Actor, umaga pa lang daw ay gising na siya para mag-make up. Binalutan niya ng packing tape ang waistline niya pati na ang kanyang “jun-jun.”
“Kaya imadyinin ninyo, hindi na ako puwedeng umihi! Sobrang nahirapan talaga si jun-jun ko! Ha! Ha! Ha!
“Tapos, ang taas pa ng heels ko! Kaya naman after the awards night, tinanggal ko ang sapatos ko at walk ng tsinelas na ang suot!” chika ng TV host-actor sa grand presscon ng “Die Beautiful” showing on Dec. 25 bilang official entry sa 2016 MMFF.
Pero hindi sa awards night nagtapos ang paghihirap ni Paolo. Tiis-ganda pa rin siya sa reception after matanggap ang award. Wine-wine ang drama at saka lang natapos ang pagtitiis niya nang makabalik sa hotel.
“Kaya naman sa pelikulang ito, gusto kong magbigay ng inspirasyon sa lahat! Priority ko man ang Bulaga, gagawa pa rin ako.
“Ako kasi ‘yung taong mahilig sa challenges, eh. Mahilig akong tsina-challenge ang sarili. Kung hindi man higitan, ‘yung level ng effort, ng performance, sana mas mailabas ko pa sa projects,” rason ni Paolo.
Siya na raw ang Pambansang Idol ng transgenders, huh!
“Ha! Ha! Ha! Well, nakakatuwa, nakaka-proud. Nakaka-inspire din naman sila. Kung ina-idol nila ako, ina-idolize ko rin sila. Nagkakaroon din ako ng idea from them. I guess it’s collaboration,” sey pa niya.
Sa nasabing media conference ng “Die Beautiful”, nag-perform ang impersonators mula sa Oh Diva Bar na talaga namang ikinatuwa ni Mother Lily Monteverde, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.