Regine muling sasabak sa pag-arte, may bagong teleserye
SASABAK na naman sa pag-arte si Regine Velasquez-Alcasid.
Pumasyal na siya kahapon sa GMA Network upang makipag-meeting sa mga bossing ng istasyon tungkol sa bago niyang project.
Huling umarte sa seryeng Poor Senorita si Regs. Sisiw lang ang pag-arte niya dahil dramedy (drama-comedy) ang nasabing primetime series. Kapag todo iyakan kasi ang role niya, nai-stress daw ang byuti niya, huh!
By January naman, titira sa bahay nila ang panganay ni Ogie Alcasid kay Michelle Van Eimeren na si Lia. Inanunsyo ito ng anak ni Ogie kasabay ng pagsasabing meron siyang blog tungkol dito.
Wala naman daw balak pumasok sa showbiz ni Lia ayon kay Ogie. Kung sakaling gusto niya eh, hindi naman siya pipigilan ng ama, susuportahan daw ng Ultimate Songwriter kung ano ang gustong gawin ng anak.
Si Regine lang ang kontra na ang gusto ay gawin ang gusto niya habang nandito dahil iba na ang takbo ng showbiz ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.