De Lima kinompronta si Bato kaugnay ng utos ni Duterte na maibalik si Marcos
SUMIKLAB ang mainitang pagtatalo sa pagitan nina Sen. Leila de Lima at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibalik sa puwesto si Supt. Marvin Marcos na siyang nanguna sa operasyon na naging dahilan ng pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Matatandaang inamin mismo ni Duterte na siya ang tumawag kay dela Rosa para ibalik sa kanyang puwesto si Supt. Marvin Marcos.
Tinanong ni de Lima kung bakit hindi agad inamin ni dela Rosa na si Duterte ang siyang tumawag sa kanya.
“Kung hindi po inamin ng Pangulong Duterte na siya talaga ang nagbigay sayo ng order of reinstatement at inipit ka, maybe by this committee o ng kung sino man… ‘yun ho bang plano, that so-called kumpadre; pwedeng sabihin kung sino ang kumpadre na ‘yan?” tanong ni de Lima.
“I’ll cross the bridge when we get there,” sagot ni dela Rosa.
Ngunit iginiit ni de Lima kay dela Ros na pangalanan kung sino ang tinutukoy niyang “kumpadre.”
“For all you know, your honor, the President is my godfather sa kasal and he’s also my kumpadre,” ayon naman kay dela Rosa.
“So siya pala ang ituturo mo, eventually and ultimately. Siya pala talaga ang ituturo mo?” tanong muli ni de Lima.
“Kung maipit, your honor, sasabihin ko. Magpalit tayo ng position, your honor, ikaw mag chief PNP…” sagot ni dela Rosa, na pinutol naman ng senador.
“Don’t argue with me! I’m the one asking you a question here. Don’t argue with me. I’ve enough of you, kayong lahat na mga nagsisinungaling!” ayon pa kay de Lima, kung saan itinuro niya ang mga nag-aakusa sa kanya kasama na ang dating boyfriend na si Ronnie Dayan at drug lord na si Kerwin Espinosa.
Kapwa idinawit nina Dayan at Espinosa si de Lima sa iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.