Bato inaming nalito sa utos ni Duterte na ibalik sa puwesto si Supt. Marcos | Bandera

Bato inaming nalito sa utos ni Duterte na ibalik sa puwesto si Supt. Marcos

- December 05, 2016 - 01:35 PM

duterte-bato

SINABI ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa na nalito siya nang atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa puwesto si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 director Supt. Marvin Marcos, dalawang linggo bago mapatay si Albuera mayor Rolando Espinosa Sr.
“Hindi pangkaraniwan, your honor. To be frank, nagtaka ako but who am I to question the wisdom of the President? Which he explained later,” sabi ni Espinosa sa pagdinig ng Senado kaugnay ng pagkamatay ni Espinosa.
Sinibak sa puwesto si Marcos noong Oktubre 15 sa harap ng pagkakasangkot sa droga, bagamat ibinalik din ang opisyal sa puwesto sa kaparehong araw.

Idinagdag ni dela Rosa na sinunod niya ito dahil galing ang kautusan mula sa pangulo.
Si Marcos ang pinuno ng CIDG unit na nagsagawa ng raid sa Baybay, Leyte provincial jail noong Nobyembre 5 kung saan napatay si Espinosa.
Inamin ni Duterte na siya ang nag-utos kay dela Rosa na maibalik sa puwesto si Marcos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending