DLSU-Ateneo finals rivalry bubuhayin | Bandera

DLSU-Ateneo finals rivalry bubuhayin

Angelito Oredo - December 03, 2016 - 12:05 AM

 

Filoil League / June 10,2016 Ben Mbala of La Salle w/ Aaron Black of Ateneo ,at the Filoil arena . INQUIRER PHOTO/AUGUST DELA CRUZ

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. NU vs La Salle (women’s finals)
3:30 p.m. La Salle vs  Ateneo (men’s finals)

INAASAHANG magiging pisikal at emosyal ang labanan sa pagitan ng matinding magkaribal na Ateneo de Manila University Blue Eagles at De La Salle University Green Archers sa Game One ng best-of-three championships ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Una munang magsasagupa ang nagtatanggol na kampeong National University kontra La Salle sa sarili nitong kampeonato sa women’s division alas-11 ng umaga bago sundan ng inaasahang magiging maigting na salpukan sa pagitan ng Blue Eagles at Green Archers sa alas-3:30 ng hapon.

Walong taon na ang nakalipas nang huling magsagupa sa kampeonato ang Ateneo at La Salle kung saan nagawang iuwi ng Blue Eagles ang korona mula sa isang triple ni Magnum Membrere bago nasupalpal ni Enrico Villanueva ang huling pagtatangka ng La Salle para agawin ang panalo.

Ikalimang pagkakataon din sa kasaysayan ng UAAP na magkakasagupa ang dalawa sa kampeonato kung saan nagawa ng Ateneo na magwagi ng tatlong beses sa kanilang apat na paghaharap noong 1988, 2002 at 2008. Nagwagi ang La Salle noong 2001.

Gayunman, bitbit ngayon ng La Salle ang matinding bentahe matapos itala ang 12 sunod na panalo upang agad na tumuntong sa semifinals at patalsikin sa loob lamang ng isang laro sa Final Four ang nakatapat na Adamson University Soaring Falcons.

Kinailangan naman ng Blue Eagles na dumaan sa dalawang dikitang laro sa Final Four para hubaran ng korona ang nagtatanggol na kampeong Far Eastern University Tamaraws upang makabalik sa labanan para sa titulo na huli nitong natikman tatlong taon na ang nakaraan.

Tanging bitbit na bentahe ng Ateneo na ito ang tanging koponan na nakapagpalasap ng kabiguan sa nangunang La Salle sa dalawang ikot na eliminasyon na nagbigay daan para sa mas madali na labanan sa semifinals.
Gayunman, aminado si Ateneo coach Tab Baldwin na inaasahan nilang mahihirapan ang kanyang koponan sa unang tumuntong sa kampeonato at sariwa sa mahabang pahinga na La Salle.

“Undoubtedly, La Salle has been ready and just waiting for the winner of the semifinals, and for us. I know they had been watching us and has been preparing for whoever take the last seat. They are a good team and were looking forward to meeting them in so short time,” sabi lamang ni Baldwin.

Dagdag pa sa matinding problema ni Baldwin ay ang kundisyon ng kanyang inaasahang manlalaro tulad ni Isaac Go.

“Some of my players must recover in time for the finals,” sabi ni Baldwin. “I know how hard they had played out there which they must do for us to make it to the finals. How I wish the physicality will not take its toll in our next game.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May kabuuan na walong korona ang Blue Eagles tampok ang limang sunod noong 2008 hanggang 2012.

Nagwagi rin ang La Salle ng kabuuang walong UAAP basketball titles (1989, 1990, 1998, 1999, 2000, 2001, 2007 at 2013). Nagawa rdin nito na makatuntong sa finals nang 14 na beses sapul na sumali sa liga at nagawa rin ang ikatlong pinakamahabang pagwawagi sa kampeonato na apat na sunod noong 1998 hanggang 2001.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending