Horoscope, December 03, 2016 | Bandera

Horoscope, December 03, 2016

Madam Sophia |December 03,2016
facebook
share this

Horoscope, December 03, 2016

Madam Sophia - December 03, 2016 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Pasalamatan ang mga biyayang natatanggap! Sa pinansiyal, upang lalo kang suwertehin ngayong pasko tumulong sa mga mahihirap. Sa pag-ibig, sa isang charitable work, makakasumpong ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Red at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Bagong lipunan, bagong mundo at mga bagong kaibigan ang kailangan upang lumago ang kabuhayan. Tularan ang kambing laging bago at ibat-ibang damuhan ang pinapastulan. Mapalad ang 9, 17, 28, 33, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arkaye-Om.” Brown at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Pagkain ang magpapasigla sa araw ng ito! Sa pag-ibig mag-luto ng sopas, upang mapangiti ang minamahal. Sa pananalapi, mapalad sa negosyong may kaugnayan sa pagkain, dahil sabi nga ng iyong kasuyo: “Mahal the best kang magluto!” Mapalad ang 6, 15, 29, 33, 46, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Apple green at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Magmadali bago maka-alpas ang suwerte. Sunggaban agad ang inaalok na pagkakakitaan ng isang Libra. Sa pag-ibig, minsan lang mag-init ang kasuyo, pagbigyan mo na upang makaraos. Mapalad ang 9, 14, 25, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never!” Green at siver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Huwag makisawsaw sa problema ng iba. Mahilig ka kasing maki-alam kaya sa bandang huli ikaw ang napapahamak. Sa pag-ibig, ikaw ang lihim nilang pinaguusapan, pero okey lang, inggit lang sila sayo – mas maganda ka kasi sa kanila. Mapalad ang 3, 14, 27, 33, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Magiging masaya ang araw ngayon kung magpapatuloy ang magandang panahon. Ang mga Leo ay naka-depende sa sikat ng araw ang kapalaran. Kapag ganap ng nagpakita ang araw, tuloy-tuloy na ring uunlad ang kabuhayan at lalong magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ketu-Manu-Om”. Gold at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi kailangang maging perpekto ang lahat ng bagay. Gawing simple ang nasimulan at piliting tapusin. Sa pag-ibig, wag hanapan ang kasuyo, wala namang taong perpekto, kahit nga ikaw ay may kapintasan din. Mapalad ang 7, 15, 23, 42, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Varuna-Beeja-Om.” Lilac at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Walang pinaka-mabisang paraan upang yumaman kundi ang pagtitipid. Sa pag-ibig at pinansyal wag magpatangay sa luho ng minamahal, turuan siyang magsinop ng inyong kabuhayan. Mapalad ang 6, 17, 19, 28, 37 art 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Dosya-Om.” Beige at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi uubra ang puwede na! Kailangang magbago ang buhay upang hindi na muling mabaon sa utang. Sa pag-ibig, hindi puwede ang puwede na, kailangang mapaligaya ng husto ang iyong kasuyo. Mapalad ang 2, 11, 18, 28, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Pagpasensiyahan ang negatibong ugali ng kasuyo. Yan talaga ang role mo sa mundo – ang magparaya. Sa pinansiyal, isang kaibigang hindi matanggihan ang mangungutang, wala kang magagawa kahit hindi siya magbayad, talagang ganyan ang buhay! Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Surya-Dosya-Om.” Blue at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — May paglalakbay na iaalok ang isang kakilala. Tandaang ang paglayo sa sariling bayan ang maghahatid sa malaking pag-unlad. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sa iyong pagbabalik mainit na romansa ang kapalit. Mapalad ang 5, 11, 25, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.’ Blue at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Pahinga ang kailangan upang hindi tablan ng karamdaman. Sa pinansiyal, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung magkakasakit ka naman? Sa pag-ibig, ang pakikipag-romansahan ang pinaka-mabisang paraan upang lumakas ang immune system. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Om”. Maroon at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Upang hindi sumama ang loob wag maghintay ng kapalit sa mga naitulong sa iba. Ang pagawa ng kabutihan ay ginagantihan hindi ng kapwa mo tao, kundi ng Tadhana. Laging panaigin ang pagiging mabuti, upang bumuti rin ang kapalaran. Mapalad ang 7, 19, 28, 37, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om”. Red at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending