Pasensyosang aktres na-bad trip sa ‘kabobohan' ni hunk actor | Bandera

Pasensyosang aktres na-bad trip sa ‘kabobohan’ ni hunk actor

Cristy Fermin |December 03,2016
facebook
share this

Pasensyosang aktres na-bad trip sa ‘kabobohan’ ni hunk actor

Cristy Fermin - December 03, 2016 - 12:40 AM

BLIND ITEM F-M 0729

MINSAN pala ay malapit nang mag-walkout sa set ng ginagawa niyang pelikula ang isang hindi na bata pero hindi pa rin naman katandaang aktres. Hindi siya mainipin pero nu’ng mga oras na ‘yun ay parang kinapos ang baon niyang pasensiya.

Simple lang naman kasi ang eksenang kinukunan sa kanya at sa isang male personality, pero kung bakit hindi nito makuha-kuha ang dapat nitong gawin, kaya paulit-ulit ang kanilang take.

Nu’ng una ay okey lang ang aktres, maximum tolerance ang kanyang pinaiiral, pero nu’ng nakakaapat na ulit na ang kanilang eksena ay nagparamdam na siya sa aktor na may ipinagmamalaking magandang katawan.

Kuwento ng aming source, “Mabait ang aktres, maintindihin din siya sa mga baguhang artistang medyo hindi nakapagde-deliver. Pero iba nga naman kasi ang kasyungahang umarte nu’ng male personality.

“Hindi na siya baguhan, matagal na rin siyang umaarte, napakarami na niyang ginawang pelikula at serye, pero bakit mahina pa rin siya? Hindi siya makapag-deliver ng mga dialogue niya nang maayos.

“Parang naninigas ang mga panga niya sa pagsasalita, hindi niya makuha-kuha ang blocking, kaya talagang ipinaririnig na ni ____ (pangalan ng magaling na aktres) ang pagbuntong-hininga sa kanya!

“Mahina talagang umarte ang male personality na ‘yun, hindi niya naman kasi magagamit sa aktingan ang mga muscles niya, ang kapogian kuno niya, waley!” kuwento ng aming impormante.

Kinunan na lang ni direk nang hiwalay ang aktres, pinaiwanan nito ang aktor, dahil kung hindi ay baka umagahin sila sa set nang dahil lang sa ilang simpleng eksena.

Pagsundot pa ng aming source, “Naku, napakahina pa ring umarte ng male personality na ‘yun, lumalaki ang katawan niya, pero lalo namang nadidiyeta ang utak niya sa pag-arte!”

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, gets n’yo na kung sinu-sino ang mga bumibida sa ating kuwento, promise?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending