Film critic kay Vic: Hindi kawawa ang mga bata sa Pasko, ikaw ang kawawa!
KABALIGTARAN ng marami-rami ring kumuwestiyon as to how the MMFF selection committee has come up with its choice of eight entries this year ay ang abut-abot na galak naman ng nakakuwentuhan naming film reviewer.
“Pars maiba naman, ‘no! Sabihin na nating halos lahat ng napili, eh, indie films, this is clearly a refreshing breather from the previous festivals na puro na lang ‘Enteng Kabisote’ ang pumapasok!” simula ng aming kausap.
Curious, we probed where he was coming from. Nagbalik-tanaw siya sa isang pagtitipon ng mga respetadong miyembro ng isang grupo composed of industry workers not too long ago.
Isang dine-and-wine gathering ‘yon kung saan nagsilbing tagasalin ng red wine ang aming source, hopping from one table to another.
Para ma-entertain daw ang mga nasa event ay nagsalang ng DVD ng kung-anong part ‘yon ng never-ending saga ng “Enteng Kabisote.” “Red wine?” tanong ng film critic sa isang female attendee (a respected singer-actress) when he stopped at her table habang nanonood ng pelikula.
Buwelta ng inaalok ng red wine, “No, thanks…I need scotch to stand this movie!”
Fast forward. Balik-MMFF 2016 ang topic namin uli. Our source just wanted to set the record straight.
Kamakailan kasi ay nahingan ng komento si Vic Sotto tungkol sa ‘di pagkakasali ng “EK” this year. Ani Vic, kawawa raw ang mga bata who’d miss the chance of seeing pambata movies gayong naging tradisyon na nga naman ito taun-taon.
Pero hirit namin, mapapanood pa rin naman ng mga bata ang “EK”, sa mas maagang petsa nga lang ahead of Christmas Day. In fact, hindi rin kawawa ang mga bata dahil sabay pang ipalalabas ang “EK” at ‘yung kina Coco Martin at Vice Ganda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.