SINABI ng Philippine Coast Guard na nailigtas ng Chinese coast guard ang dalawang Pinoy na mangingisda na nauna nang napaulat na nawawala sa pinag-aagawang Scarborough Shoal sa hilagang kanluran ng Pilipinas.
Sinabi ni Philippine coast guard spokesman Armand Balilo na inabisuhan sila ng Chinsses coast guard hinggil na nasa kanilang pangangalaga ang dalawang Pinoy na mangingisda at nakatakdang silang i-turn over sa gobyerno ng Pilipinas.
Idinagdagg ni Balilo na nagpadala na ng patrol ship ang Coast Guard para sunduin ang mga 2 mangingisda bagamat hindi pa makapaglayag dahil sa malalaking alon sa karagatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.