De Lima: Si Bong Go ang tumawag kay Bato para maibalik si Supt. Marcos
IBINUNYAG ni Sen. Leila de Lima na ang kanang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Christopher “Bong” Go ang umano’y nag-utos na muling maibalik sa puwesto ang opisyal na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
“I have my own sources… si Bong Go,” sabi ni de Lima.
Nauna nang inamin ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na isang mas mataas sa kanya ang nag-utos na maibalik si Supt. Marvin Marcos bago ang pagpatay kay Espinosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending