Boobay di na maalala ang pangalan ng mga kaibigan matapos ma-stroke | Bandera

Boobay di na maalala ang pangalan ng mga kaibigan matapos ma-stroke

Jun Nardo - December 01, 2016 - 12:25 AM

marian rivera at boobay

NAKAKAKILALA pero hindi masabi ng komedyanteng si Boobay ang pangalan ng mga kaibigang bumibisita sa kanila sa ospital.

Dinale ng acute stroke ang komedyante last Sunday, dinala sa Capitol Medical Center pero inilipat sa St. Luke’s Global and as of this writing ay nasa ICU pa rin.

Isa si Allan K sa bumisita kay Boobay. Siya rin kasi ang nagbigay ng break sa kanya sa Klownz at Zirkoh Comedy bars. Dapat sana ay magkasama sila sa isang show sa Switzerland last weekend pero hindi sila nabigyan ng visa ng Swiss embassy rito kaya naudlot ‘yon.

Sa taping ng final two episodes ng Superstar Duets kung saan isa si Allan sa judges ang nagkuwento ng latest condition ni Boobay.

“Okay na siya. Nilipat na sa St. Luke’s sa Global. Hindi ko alam kung ICU pa siya. ‘Yung stroke niya, parang dito, may tinamaan sa bandang brain niya. Hindi aneurysm. Parang naubusan ng something.

“Basta may isang injection siya na P75,000 pandagdag sa neurons. Kasi pagdating namin kahapon (Monday) alam ko na ang tsismis na hindi na siya nakaka-recognize. Pagdating ko, sabi niya, ‘Oww!’ Mahilig siya sa ganoon. Nagbago ang hitsura.

“Kilala ka niya. Makikilala ka niya. Pero hindi niya kayang sabihin ang pangalan mo. Pero alam niya kaibigan ka niya. Ma retention sa kanya ‘yon. Sabi ko sa kanya, ‘Kilala mo ako?’ Nag-joke pa eh. ‘Ikaw ang tunay kong ama!’ Ha! Ha! Ha!

“Tawa kami nang tawa. ‘Ano ang pangalan ko?’ Sabi niya kay RJ (personal assistant ni Allan at friend ni Boobay) at Ken, partner niya, ‘Ano? Ano?’ Parang gusto niyang baguhin ang usapan. Hindi niya masabi. Sabi ng nurse, ‘Ano ‘yan, Sir.’

“Kunwari, ito, ballpen. Alam niya ang purpose niyan, pagsulat. Hindi niya alam ang tawag diyan,” pahayag ni Allan.

Si Marian Rivera ang unang tumulong kay Boobay upang malipat sa St. Luke’s ayon kay Allan. Matalik niyang kaibigan ang aktres at kahapon ay dinalaw niya ang friend niya.

“Pero ang sipag niya sa trabaho. Walang inaayawan kahit for the love. Kami talaga namimili kami ng trabaho,” sabi ni Allan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naalala ni Allan nu’ng nakaraang mga taon na sagsag din siya sa lagare sa trabaho. Kaya siya ngayon, hinay-hinay sa trabaho at kapag may oras matulog at magpahinga eh, pahinga talaga ang ginagawa niya.

Kaya nga raw sa darating na birthday niya sa Dec. 13, itutulog na lang daw ‘yun ng komedyante. Biro niya, “Napagod na ako kasi-celebrate! Bisita lang ang masaya, ako, pagod! Ha! Ha! Ha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending