House panel inaprubahan na ang pagbabalik ng death penalty | Bandera

House panel inaprubahan na ang pagbabalik ng death penalty

Leifbilly Begas - November 29, 2016 - 06:27 PM

house of rep

Inaprubahan ng subcommittee ng House committee on justice ang panukala na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Bumoto ang anim na kongresista na ibalik ang parusang kamatayan para sa mga heinous crime samantalang lima ang bumoto sa pagpapataw lamang ng ganitong parusa sa mga kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.
Dalawang kongresista naman na tutol sa pagbabalik ng parusang kamatayan ang hindi bumoto.
Sinabi ng subcommittee chairman na si Leyte Rep. Vicente Veloso na aprubado na ang bersyon ng panukala na kanilang tatalakayin sa mother committee.
“We are now offering judicial killings as against the extrajudicial killings. You decide judicial or extra judicial killings,” ani House Deputy Speaker Fredenil Castro na isa sa may-akda ng panukala.
Kasama sa mga parusang papatawan ng kamatayan ang murder, plunder, rape, kidnapping and serious illegal detention, pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, at carnapping with homicide.
Inihabol din ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panukala na amyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act upang kamatayan na ang maging parusa sa mga mahuhulihan ng 10 gramo ng shabu pataas. Sa kasalukuyang batas kailangang 50 kilo ng shabu ang makuha upang ang pinakamabigat na parusa ang ipataw ng korte.
“Since the government has the highest interest in preventing heinous crimes, it should use the strongest punishment available to deter unlawful acts-the death penalty. If criminals charged guilty of committing heinous crimes are sentenced to death and executed, potential criminals will think twice before committing crimes for fear of losing their own life,” ani Barbers.
Umangal naman si Albay Rep. Edcel Lagman dahil wala umano sa agenda ng subcommittee ang pagboto sa panukala.
30

No Matter How Bad Yesterday Was,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending