Michael napaiyak nang matanong tungkol sa anak: Gusto ko lang siyang makasama!
KABALIGTARAN naman ni Jake Ejercito ang nararamdaman ni Michael Pangilinan nang ipagdiwang nito ang kanyang 21st birthday, hindi kasi niya nakasama ang anak noong Sabado, Nob. 26.
Pigil ang luhang nagkuwento si Michael na sana man lang ay nakita at nakasama niya ang anak maski 30 minutos lang. Kuwento ng singer, “Bago ako pumunta rito (Rajah Sulayman Open Park), isa lang ang pinagdasal ko, sana maghimala, biglang iakyat (sa stage). ‘Yun lang po ang wish ko, sana makasama ko ang baby ko.”
“Kung ayaw niya (ina ng bata) dalhin, ipasuyo man lang na ihatid niya o kaya ’wag siyang bumaba ng sasakyan, okay na ako. Malaking bagay ‘yun, kasi birthday ko, debut ko, kasama ko ang anak ko. ’Yun ang buhay ko, ang anak ko.
Kung matino siya (nanay ng bata), birthday nu’ng tatay, debut pa, ano ba naman ‘yung mag-effort siya.
Maski 30 mi-nutes lang (makasama ang anak). Kung may problema sila sa akin, o may problema tayo (patungkol sa ina), tayo ang magharap, ‘wag mong idaan sa bata para saktan ako. Napakasakit po, lagi akong umiiyak,” basag ang boses na paliwanag ni Michael.
Sabay sabing, “Kaya happy birthday to me na lang.” Sa paratang kay Michael na ginagamit niya ang anak para mapag-usapan siya.
“Hindi po totoo ‘yun, sa totoo lang, hindi ko kailangang sumikat. Maski wala po akong show, hindi ako sumikat, basta’t kasama ko lang ang anak ko, kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw, masakit lang po talaga,” sangga nito.
Wish uli ni Michael, “Magbi-birthday ang anak ko sa December 15, sana man lang makasama ko siya o maski na before kasi tiyak may party sila para sa anak ko, before man lang sa akin siya para naman maipaghanda ko rin.”
Abut-abot ang pasalamat ni Michael kay Manila Mayor E-rap Estrada na kumanta sa birthday concert niya at sa pagbibigay sa kanya ng pahintulot para ipagdiwang ang free concert niya sa Rajah Sulayman Open Park noong Sabado na dinaluhan ng halos lahat ng senior citizens ng Kamaynilaan.
Kabilang din ang anak ni Erap na si Jerika Ejercito na in-charge sa pagpapatayo ng ma-gandang stage at malalaking lona para hindi mabasa ang mga manonood bukod pa sa mahabang tent na may air-condition para naman sa guest performers, kabilang na si Jake.
“This is the best concert I ever had kasi nakapag-give back ako sa mga sumusuporta sa akin at ang ganda talaga ng venue, hindi ko akalaing ganito pala kaganda kapag inayos, hindi ko kasi ito gaano napapansin,” sabi ni Michael.
Ang free birthday concert ni Michael ay hatid ng Smart, PLDT At Office of the Manila Mayor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.