De Lima rumesbak kay Alvarez matapos siyang tawaging ‘serial liar’ | Bandera

De Lima rumesbak kay Alvarez matapos siyang tawaging ‘serial liar’

- November 24, 2016 - 02:42 PM

de lima

RUMESBAK si Sen. Leila de Lima kay Speaker Pantaleon Alvarez kung saan tinawag naman niya itong ‘makitid ang utak at walang respeto’.

Idinagdag ni de Lima na nagpapatunay lamang ito na nahusgahan na siya ni Alvarez.

“Ipinapakita lang ng pahayag na ito kung gaano kakitid ang pag-iisip ni House Speaker Alvarez. Pinapatibay din nito kung paanong nahusgahan na ako ng naturingang pinuno ng Kamara de Representantes, bago pa man ang sinasabing ‘in aid of legislation’ kuno na pagdinig sa diumano’y paglaganap ng ilegal na droga sa Bilibid,” sabi ni de Lima.
Ito’y matapos namang tawagin ni Alvarez si de Lima na “serial liar.”
Idinagdag ni de Lima na isa si Alvarez sa mga nais siyang madiin sa iligal na droga.

“Kung ganito po kabastos mag-isip si Ginoong Alvarez, hindi na talaga ako magtataka sa iba pang pambababoy at paninirang-puri na ibabato niya laban sa akin,” dagdag ni de Lima.
Sinabi pa ni de Lima na mismong si Alvarez ang nagsulong na isapubliko ang kanya umanong sex video.
“Kung ganito po kabastos mag-isip si Ginoong Alvarez, hindi na talaga ako magtataka sa iba pang pambababoy at paninirang-puri na ibabato niya laban sa akin,” sabi pa ni de Lima.
Aniya, iisa lamang ang tono nina Alvarez at Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ang sa akin lang, bago pa man magsalita si Ginoong Alvarez, at ang mga kagaya niya sa Kamara at sa sangay ng Ehekutibo, subukan muna nilang humarap sa salamin, at makikita nila kung sino ang bastos, walang galang sa kababaihan, at tunay na mga sinungaling,” sabi pa ni de Lima.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending