De Lima binigyan ng P2M si Dayan | Bandera

De Lima binigyan ng P2M si Dayan

Leifbilly Begas - November 24, 2016 - 02:16 PM

Leila-de-Lima-Ronnie-Dayan-620x262

Binigyan umano ni Sen. Leila de Lima ng P2 milyon ang kanyang driver-bodyguard-lover na si Ronnie Dayan upang maipagawa ang kanyang bahay sa Pangasinan.
Sa kanyang pagharap sa House committee on justice kahapon, sinabi ni Dayan na kinulang ang ibinigay ni de Lima sa pagpapagawa ng puting bahay sa Brgy. Galarin, Urbiztondo, kaya nagdagdag pa siya ng P800,000.
“Tungkol po sa bahay sa Pangasinan na regalo daw ni Ma’am, ang totoo ay noong 2007, humingi ako kay Ma’am ng P120,000, pambili nung lupa. Sa pagtayo ng bahay, nasa P800,000 ang nanggaling sa ipon ko at yung P2 million galing kay ma’am,” ani Dayan.
Kinumpirma ni Dayan ang sinabi ng drug lord na si Kerwin Espinosa kaugnay ng pagbibigay nito ng pera kay de Lima bilang tulong sa kanyang pagtakbo sa nakaraang eleksyon.
Sinabi ni Dayan na inuutusan siya ni de Lima na makipagkita kay Espinosa upang mayroong kunin.
Hinala umano niya ay pera ang iniaabot sa kanya ni Espinosa bagamat hindi umano niya ito sinisilip.
“Si Kerwin Espinosa, hindi ko nga alam na drug lord nung nag-aabutan kami. Ang alam ko dun, engineer siya. Kaya sabi ko ito siguro yung engineer na sinasabi ni Ma’am. Pero ang sabi ni Ma’am, may nabigay pa nga ng Starex sa kaniya, isang engineer daw,” ani Dayan. “Sabi ko sa kaniya, ‘Bago na naman iyung sasakyan ninyo, Ma’am, ha?’ Ang sagot niya, ‘oo, bigay ng… supporters ko.’ Tapos may bago siyang Fortuner na puti, nung tinanong ko, sabi niya ay bigay ni engineer iyan.”
Sinabi ni Dayan na noong 2014 nangyari ang pagbibigay ng pera ni Espinosa kay de Lima pero sa pahayag ni Espinosa sa Senado noong Miyerkules sinabi nito na naganap ito noong 2015.
30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending