Robin, Mariel sa Amerika planong palakihin si Baby Maria Isabella | Bandera

Robin, Mariel sa Amerika planong palakihin si Baby Maria Isabella

Ervin Santiago - November 24, 2016 - 12:05 AM

maria isabella padilla

Photo source: Mariel-Rodriguez Padilla Instagram account

AMINADO si Robin Padilla na mas kamukha ni Mariel Rodriguez ang anak nilang si Maria Isabella kesa sa kanya.

Ayon kay Binoe, feeling blessed talaga siya ngayon dahil bukod nga sa absolute pardon na ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maayos ding naipanganak ni Mariel sa Amerika ang kanilang panganay.

Sa isang panayam, sinabi ni Robin na siguradong maraming magbabago sa takbo ng kanyang buhay ngayong nanganak na si Mariel, lalo na kapag nasa Amerika na siya.

“Maraming bago kasi siyempre yung mga organic nga na gusto namin gawin. Kaya parang bago. Marami na akong anak pero isa siguro yun sa mga naging kasalanan ko din nung araw.

“Hindi ko napapelan yung dapat kong papel kaya din ako masyadong gigil na gigil papelan yun ngayon. Lalo na nakakatuwa kasi hindi talaga inaasahan si Isabela eh,” aniya pa.

Saludo rin daw siya sa katapangan at katatagan ng kanyang misis, “Ang dami kasi talaga naming dinaanan lalo na siya. Pero nu’ng nakita ko si Maria Isabella, nawala lahat ‘yun. Actually, magkamukha sila. Ang tawag ko nga twins, eh.

“Kamukha ni Mariel. Maliit na Mariel. Kumuha kayo ng litrato ni Mariel nung bata kay lola, ganu’n ang itsura. Kamukhang-kamukha. Eh, wala ng itinira sa akin eh. Ha-hahaha!” dagdag pa ng action star.

Kahapon, sa mismong kaarawan ni Robin ay ipinost ni Mariel sa Instagram ang litrato ng anak nila ni Binoe na may caption na: “Dearest Daddy @robinhoodpadilla, Happy happy birthday! I can’t wait to meet you dad!!! Mom says all these wonderful things about you…how much of a hero you truly are, how generous, kind, loving and compassionate you are.

“If I inherit a few of your traits that already makes me one blessed girl. I promise to make you proud dad (mom will make sure that happens) I wish you the best of health so we can play and so that you can guide me in life. it is my honor to be raised by you. I love you dad! Happy birthday! Love, Maria Isabella De Padilla!”

Sa ngayon, matindi pa rin ang ginagawang pagdarasal ni Robin para mabigyan na siya ng US visa at makasama na ang kanyang mag-ina sa Amerika. Doon na rin daw sila mag-uusap ni Mariel kung saan nila palalakihin ang kanilang anak – kung doon sa US o dito sa Pilipinas.

“Siyempre sana mapahintulutan ako ng Panginoong Diyos na yung aming mga plano ni Mariel ay magawa namin. Kasi dati gusto namin mabuhay sa abroad. Lagi kaming hinahatak pabalik dito. Talagang mahal na mahal namin ang Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi matuloy-tuloy yung tahimik na buhay. Sana sa pagdating nito, magagampanan mo na yung masasabi mong ama ay pag wala ka sa showbiz siguro. Kasi iba ang kinukuhang oras sa showbiz. Kasi noon ilang beses kaming aalis, babalik. Kasi dalawa lang kami siguro. Etong pagkakataong ito matutupad lahat ng aming pinaplano,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending