Nais ni House minority leader Danilo Suarez na baguhin ang number coding scheme at gawin ng tatlong numero ang bawal na bumiyahe kada araw ngayong Kapaskuhan.
At nais ni Suarez na magkaroon na rin ng number coding scheme kahit na Sabado at Linggo.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Suarez na inaasahan ang lalong pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong Kapaskuhan kaya kailangan ng mas matinding programa upang mabawasan ang epekto nito.
Sa panukala ni Suarez, hindi maaaring bumiyahe ang mga sasakyan na nagtatapos ang plaka sa numero 1, 2, 3 sa Disyembre 1; numero 4, 5, 6 sa Disyembre 2, numero 7, 8, 9, 0 sa Disyembre at tuloy-tuloy.
“We implore the Department of Transportation to temporarily implement this new three-digit coding scheme from Mondays to Fridays while the two-digit scheme be resumed during weekends in anticipation of the holiday traffic,” ani Suarez.
Maaari umanong ipatupad ito hangs sa Three Kings’ Day o Enero 6.
“The reaction to change has always been met with resistance. However, we implore open minds, particularly in the absence of any immediate measure to reduce the volume of vehicles,” dagdag pa ng solon.
Inaasahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong Kapaskuhan at hindi umano dapat na masira ang masayang araw na ito ng trapik.
“The joy of this season should not be dampened by monstrous traffic jams and the anticipatory stress that goes with traveling through EDSA and other notoriously congested streets.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.