FVR binanatan si Duterte matapos ang no show sa ilang iskedyul sa APEC | Bandera

FVR binanatan si Duterte matapos ang no show sa ilang iskedyul sa APEC

- November 21, 2016 - 06:42 PM

fvr

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si dating pangulong Fidel Ramos kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos hindi siputin ang gala dinner at at ang tradisyunal family photo ng mga lider ng mundo sa kanyang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) summit sa Lima, Peru.
Sa isang press conference sa Makati City, sinabi ni Ramos na hindi katanggap-tanggap ang dahilan ni Duterte na masama ang kanyang pakiramdam kayat hindi nakadalo sa Apec socials.
“As a President, it is his duty to be there at all times kahit na masama ang pakiramdam. Ano ba yung pakiramdam na masama ng pangulo? Masakit ang ulo? Merong doctor na kasama sa delegasyon palagi. Meron ding doctor dun sa Lima,” sabi ni Ramos .
Idinahilan ng Palasyo na jet lag kayat hindi naman nakadala si Duterte sa ikalawang araw ng APEC summit.

“Kung sakali masakit ang buto-buto at hindi makabangon, meron pa rin doctor at mga gamot gamot na very handy at pwedeng ibulsa ng isang Cabinet member na laging nakikita natin sa TV. Ano pa? Masakit ang likod? Magsuot ng black belt. I wear one when I play golf,” ayon pa kay Ramos.
Sinabi pa ni Ramos na dapat ay sumama man lamang si Duterte sa tradisyunal na group photo bilang kinatawan ng milyong-milyong Pinoy.
“That is not enough to prevent you from having even just a group photo with the leaders. Never mind the dinner, kumain ka na lang ng sopas, pero pagkatapos ng group photo nasaan ang Pilipinas? Wala. As President you should be in the forefront and look as big as these guys. With 105 million people, patago-tago ka sa likod, masakit ang likod ko? O baka meron namang loose bowel movement. Nako napakadali niyan, ‘yung isang Cabinet member magdala ka ng diaper,” ayon pa kay Ramos.
Sinabi pa ni Ramos na tiyak na dismayado rin ang host na si Peruvian President Pablo Kuczynski sa ginawa ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending