Robredo umalma sa tsismis na siya ay buntis | Bandera

Robredo umalma sa tsismis na siya ay buntis

Leifbilly Begas - November 21, 2016 - 03:55 PM
robredo-0511-620x349 Itinuring na insulto ni Vice Presidente Leni Robredo ang kumakalat na tsismis na buntis ito.
Ayon kay Robredo ayaw na niyang patulan ang mga ganitong paninira at intriga sa kanya.
“Ako kasi ayoko na patulan eh. Ayoko na patulan parang insulto naman yata iyon,” ani Robredo. “Pagpapakita lang na, saan ba tayo patungo kung may mga ganitong usapin, kabahagi na ng kuwento na alam naman natin na walang katotohanan at walang basehan, para kasi patulan natin iyon, parang vina-validate lang natin, di ba?”
Sinabi ni Robredo na natatawa na lamang siya sa mga ganitong paninira.
“Sa akin, ayoko nang pumatol…. Nakakatawa siya, pero at the same time, parang insulto na iyon sa ating lahat na kababaihan.”
Namatay ang mister ni Robredo na si Interior and Local Government Sec. Jessie Robredo sa isang plane crash noong 2012. Sila ay mayroong tatlong anak— Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.
Kamakailan ay biniro ni Pangulong Duterte si Robredo dahil may nakarating umano sa kanya na mayroon itong boyfriend na isang kongresista.
“Ma’am balita ko may boyfriend ka raw, sabi diyan sa ano … Don’t be offended, ‘yon sabi nila. Hindi totoo? Eh kung totoo ‘yun ma’am may mapatay na congressman na bago, para ma-byuda ulit,” ani Duterte sa canyon speech sa Yolanda anniversary.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending