Pacquiao panauhin sa 2016 Batang Pinoy National Finals | Bandera

Pacquiao panauhin sa 2016 Batang Pinoy National Finals

Angelito Oredo - November 18, 2016 - 11:00 PM

MAGSISILBING guest of honor at magbibigay inspirasyon si Senador Manny Pacquiao sa mahigit 14,000 kataong dadalo sa isasagawang 2016 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy National Championships sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City.

Inihayag ito mismo nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Celia Kiram, Executive Assistant at area coordinator Ronnel Abrenica at PSC Planning head Dr. Lauro Domingo Jr. sa pinal na pagpupulong kahapon para sa isang linggong torneo na gaganapin simula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2.

“Senator Manny Pacquiao will be the keynote speaker while Senators Gringo Honasan, Sonny Angara and House Speaker Pantaleon Alvarez along with the Deputy Secretary has also confirmed their presence to the opening of the Batang Pinoy,” sabi ni Kiram.

Upang masiguro ang kaligtasan at siguridad ng mga kalahok ay idineklara ng City of Tagum at Province of Davao del Norte na walang pasok sa lahat ng mga eskuwelahan at holiday ang limang araw na pagsasagawa ng mga kompetisyon sa kabuuang 36 na hiwa-hiwalay na lugar.

“Our security has tapped the template used in the APEC summit to secure our high-ranking officials duting their stay here in our country. Also, it is well coordinated with the Presidential Security Group, in case, that President Rodrigo Durterte finds himself vacant for the opening ceremony and joins other officials,” sabi ni Abrenica.

“Senator Pacquiao will inspire our young athletes although we will make adjustments should the President comes for his own speech,” sabi pa ni Abrenica.

Kabuuang 1,238 ginto, 1,237 pilak at 1,613 tansong medalya ang paglalabanan sa limang araw na torneo habang umabot sa 11,044 atleta na 6,265 ang lalaki at 4,779 ang babae ang magpapaligsahan. Mayroon naman 2,289 coaches at 441 delegation officials para sa kabuuang 13,774 kalahok.

Umabot sa 274 ang magpapartisipang local government units na 92 sa Luzon, 53 sa Visayas at 129 sa Mindanao.

Ang wushu at gymnastics ay isasagawa naman sa Maynila. Gaganapin ang gymnastics simula Disyembre 4 hanggang 11 habang ang wushu ay isasagawa sa Disyembre 5 hanggang 8.

Ang multi-division boxing champion na si Pacquiao ay galing sa panalo kay Jessie Vargas sa kanilang World Boxing Organization welterweight title fight noong Nobyembre 6 sa Las Vegas, Nevada, USA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending