De Lima pinapasuspinde, Ombudsman binatikos sa hindi umano pagiging patas
HINILING ng isang talunang kandidato sa pagkasenador sa Office of the Ombudsman na suspindehin si Sen. Leila de Lima matapos ang pag-amin na naging karelasyon niya ang dating driver na si Ronnie Dayan.
Sinimpahan ni Greco Belgica ng kasong gross immorality at illegal acts prejudicial to the interest of the service sa Ombudsman.
Umapela si Belgica sa Ombudsman na patawan si de Lima ng 90-araw na suspensyon matapos aminin na ilang taon silang magkarelasyon ni Dayan, na nauna nang tinaguriang bagman ni de Lima sa operasyon ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
“The act of having sexual relations with a married person, or of married persons having sexual relations outside their marriage, is considered disgraceful and immoral conduct because such manifests deliberate disregard by the actor of the marital vows protected by the Constitution and our laws,” sabi ni Belgica.
Tumakbo si Belgica bilang senador, bagamat natalo sa nakaraang eleksiyon noong Mayo.
Binatikos din ni Belgica si Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa hindi umano pagiging patas.
“She’s being unfair. She’s playing politics… She can redeem herself here,” ayon kay Belgica.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.