Pacquiao binisita si Kerwin Espinosa sa Camp Crame | Bandera

Pacquiao binisita si Kerwin Espinosa sa Camp Crame

- November 18, 2016 - 04:16 PM

manny pacquiao

BINISITA ni Sen. Manny Pacquiao ang tinaguriang pinakamalaking drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa sa Camp Crame kung saan siya nakakulong matapos ang pagdating sa bansa mula sa pagkakaaresto sa Abu Dhabi.

Sinabi ng mga abogadong sina Atty. Lani Villarin and John Ungab na hiniling ni Espinosa na makausap si Pacquiao. Sa panayam sa labas ng Philippine National Police’s (PNP) Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), sinabi ng mga abogado na tinanong ni Pacquiao si Espinosa kung handa siyang humarap sa pagdinig ng Senado kaugnay ng pagkamatay ng kanyang amang si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sinabi ni Pacquiao na idinitalye sa kanya ni Espinosa ang mga transaksyon niya sa mga matataas na opisyal ng gobyerno.

“Nagpapasalamat ako dahil sa akin unang-una nagtiwala siya sa akin. Isinawalat niya lahat ng nalalaman niya. Hindi ko na babanggitin ang pangalan pero na-surprise ako na ‘yung mga binabanggit niyang pangalan, na-confirm pa niya at idinetalye kung ano ang mga ginawa nilang activities, paano niya binigyan, kung anong buwan o taon,” sabi ni Pacquiao.

Nagsimula nang mangalap ang AIDG ng mga impormasyon mula kay Espinosa kahapon ng hapon. Nauna nang nangako si Espinosa na papangalanan ang mga protektor at dealer ng droga sa ilalim niya.

Matapos ang pagbibigay ng affidavit, dinala si Espinosa sa PNP Custodial Center, kung saan nakakulong ang mga high-profile detainees, kabilang na sina dating senador Bong Revilla at dating senador Jinggoy Estrada.

Iprinisinta si Espinosa ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Bato dela Rosa sa publiko matapos na personal na sunduin ang drug lord mula sa airport. Dumating ang convoy na sinasakyan nila sa Camp Crame ganap na alas-4:25 ng umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending