10 pang kaso ng Zika virus naitala; kaso umabot na sa 33
NAKAPAGTALA ng 10 bagong kaso ng Zika virus ang Department of Health (DOH), dahilan para umabot na ng kabuuang 33 ang mga kaso sa bansa.
Sinabi ni Health Secretary Secretary Paulyn Ubial na sa kabuang 33 kaso ng Zika, 12 kaso ay naitala sa Iloilo; apat na kaso sa Bacoor, Cavite; tig-ta-tatlong kaso sa Mandaluyong at Calamba, Laguna; dalawang kaso sa Antipolo, Las Piñas at Muntinlupa; tig-isa sa Cebu, Quezon City, Makati, Caloocan, at Maynila.
Idinagdag ni Ubial na sumailalim sa dalawang ultrasound test ang buntis sa Cebu na nagkaroon ng Zika virus.
“She’s okay, she’s still being monitored. She has undergone two ultrasound (tests) and so far, still normal. She’s expected to give birth in January,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.