Melai isinugod sa ospital, humingi ng dasal para sa baby nila ni Jason
NAG-ALALA ang mga followers ng TV host-comedian na si Melai Cantiveros matapos itong isugod sa ospital nitong nagdaang weekend.
Ipinagbubuntis ni Melai ang ikalawang baby nila ni Jason Francisco at kamakailan nga ay ibinalita mismo ng komedyana na na-admit siya sa ospital at humihingi siya ng dasal sa kanyang mga fans at kaibigan para sa mabilis na pagbuti ng kanyang kundisyon at ng sanggol sa tiyan niya.
Apat na buwan na ngayong buntis si Melai.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Melai ng isang litrato ng kanyang hospital wristband na may pangalan niya. Pero hindi naman ibinahagi ng Kapamilya TV host kung ano ang naging sakit niya at bigla siyang naospital.
Ang caption na inilagay ni Melai sa nasabing photo ay: “Prayer is the best weapon in all battles. Hi mga Momshies, Popshies, Anakshies 🙂 Need nmin ni Baby Future (baby sa tiyan ko) ng prayers nyu 🙂 Don’t worry mga momshies kaya naman kaya lang pray pa. Salamat in advance po 🙂 Godbless us always.”
Nangako naman ang followers ni Melai sa social media na ipagdarasal sila ni Baby Future.
Kung matatandaan, ibinalita ni Melai na buntis siya sa second baby nila ni Jason sa Sept. 30 episode ng morning show nilang Magandang Buhay, kasabay nito ang pagpunta roon ni Jason na naging emosyonal habang ikinukuwento ang pagbabalikan nilang mag-asawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.