Dingdong may hiling para sa industriya ng showbiz | Bandera

Dingdong may hiling para sa industriya ng showbiz

- November 14, 2016 - 12:15 AM

dingdong dantes

SUPER thankful ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa patuloy na suporta at tiwala na ibinibigay sa kanya ng GMA 7.

At mas lalong nagpapasalamat ang mister ni Marian Rivera sa mga bossing ng GMA dahil muli siyang pinayagan na gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

Muling bibida si Dingdong sa latest offering ng Star Cinema na “The Unmarried Wife” kung saan makakasama niya sina Angelica Panganiban at Paulo Avelino, showing on Nov. 16 nationwide.

“Hindi rin naman po kasi ito magiging posible kung wala rin yung blessing ng GMA Network. Sa kanila po ako unang magpapasalamat and of course, sa Star Cinema dahil napag-isipan nila na kunin ako.

“Maliit naman po talaga ang industriya natin at napakaganda po sana kung mas nangyayari ito often, hindi lang po sa akin kundi sa lahat na rin po ng artista in both networks kung saan man.

“We should also be thankful na ang ating movie industry is in a better position than where it was probably years ago dahil mas marami na pong napo-produce na movies at marami na ring bagong artista.

“Wouldn’t it be nice kung maraming ganitong klaseng collaboration in the future?” ang pahayag pa ni Dingdong.

Ito na ang ikaapat na pelikula ng Kapuso actor sa Star Cinema, una siyang nagbida sa pelikulang “Segunda Mano” (2011) kung saan first time niyang nakasama si Angelica, sinundan ng “One More Try” (2012) with Angelica again and Angel Locsin, at “She’s The One” (2013) opposite Bea Alonzo.

Samantala, sa pagpapatuloy naman ng nangungunang primetime series ng GMA na Alyas Robin Hood na pinagbibidahan nina Dingdong, Megan Young at Andrea Torres, narito ang kailangan n’yong tutukan tonight.

Magkakaroon ng bakbakan sina Pepe (Dingdong) at Venus (Andrea) sa goons ni Wilson (Dennis Padilla) habang manghang-mangha naman ang huli at mga kaibigan nito kabilang ang newfound friend niyang si Leandro (PJ Abellana) sa magic show na hinanda ni Jojo (Joross Gamboa) sa kanila. Ilang sandali pa, mapapatulog ni Jojo ang lahat gamit ang mahika.

Huhulaan nina Pepe at Venus ang combination ng vault gamit ang isang decoding device pero ilang beses silang mabibigo. Kasabay nito, magigising sina Wilson, hubad-baro. Saka naman papasok sina Daniel (Paolo Contis) at grupo nito para hulihin si Wilson pero nang huhulihin na nila ito, papasok ito sa cabinet at biglang mawawala na tila ba na-magic. Galit na galit si Daniel nang matakasan ni Wilson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Finally, mabubuksan nina Pepe ang vault pero laking gulat nila nang wala na itong laman.

Magkakahabulan sa isang construction site na building. Iiwan ni Wilson ang maleta ng cash. Kakahabol nila kay Wilson, aabot sila sa rooftop.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending