Cojuangco, Vargas maghaharap sa Senado sa Nobyembre 15
ISASAGAWA ng Senate Committee on Sports na pinamumunuan ni Senador Manny Pacquiao sa Martes, Nobyembre 15, ang inaasahang magiging mainit sa imbestigasyon ukol sa iniulat na hindi dapat matanggap na pondo at unliquidated account pati na rin ang usapin hinggil sa eleksiyon ng Philippine Olympic Committee (POC).
Ang imbestigasyon ay base sa panukala ni Senador Sonny Angara sa pagsumite nito sa Senate Resolution No. 229 na humihiling sa Committee on Sports sa ilalim ni Pacquiao na magsagawa ng isang inquiry in aid of legislation sa “alleged unliquidated funds released to the POC” at ang “the unjust imposition of eligibility requirements for the candidates for POC president.”
Ito ay matapos na mahawi ang nalalapt na labanan sa korte sa pagitan nina POC president Jose “Peping” Cojuangco Jr. at ang kumakandidato sa pagkapresidente ng pribadong asosasyon sa sports na si Victorico “Ricky” Vargas mula sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) matapos na idiskuwalipika ang huli.
Sinabi ni Angara na dapat na malaman ng Senado ang ulat na hindi nagawang mai-liquidate ng POC ang kabuuang P129.6 milyon na pondong nakuha mula sa Philippine Sports Commission simula noong 2010 hanggang 2016.
Nakatakda rin pag-usapan ang “democratic election processes within the POC (that) are under attack and that interested candidates from member National Sports Associations are being prevented from participating as candidates because of, among others, the allegedly unreasonable eligibility requirements imposed in the amended by-laws of the POC.”
“The issue has become more pressing considering the expiration of the terms of the incumbent officials this year and the upcoming elections scheduled on Nov. 25, 2016,” sabi ni Angara sa resolution.
Idinagdag ni Angara na “there is a need to resolve this issue immediately as the continuous turmoil within the POC would hinder development of Philippine sports – a source of national pride and inspiration and an instrument for nation-building.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.