‘Koneksyon ni Goma sa droga’ iimbestigahan ng PNP
IIMBESTIGAHAN ng pulisya ang umano’y pagkakasangkot ng aktor at Ormoc City Mayor Richard Gomez sa talamak ng bentahan ng droga, ani Philippine National Police chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sinabi ni dela Rosa na itinuturing nang “person of interest ng pulisya ang aktor-politiko.
Sa pagdinig sa Senado noong Huwebes, inakusahan si Gomez at iba pang politiko sa Leyte bilang protektor umano ng drug operation ng napatay na si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at anak nito na si Kerwin.
Itinanggi naman ito ni Gomez at hinamon ang mga nag-aakusa sa kanya na maglabas ng ebidensya.
Paliwanag ni dela Rosa wala pang basehan upang dakpin si Gomez dahil inaalam pa ng pulisya ang lawak umano ng koneksyon ng aktor-politkko sa grupo ng mag-amang Espinosa.
“Wala naman tayo basis na hulihin siya kasi iba ‘yung kaso ng drugs—possession, selling, pushing…do you think gagawin ng mayor ‘yan?” aniya.
Idinagdagdag niya na makatutulong ang imbestigasyon upang malinis ang pangalan niya.
“Para in fairness naman sa kanya pag mag-conduct tayo ng investigation, malaman talaga natin deeper na wala siyang involvement then it will be very beneficial [on] his part,” ayon pa sa opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.