Cebu cop nanghimas ng legs ng pulis na babae, sibak sa pwesto | Bandera

Cebu cop nanghimas ng legs ng pulis na babae, sibak sa pwesto

|November 11,2016
facebook
share this

Cebu cop nanghimas ng legs ng pulis na babae, sibak sa pwesto

- November 11, 2016 - 06:23 PM

policewoman-harassment-620x1110

Ang babaeng pulis na diumano’y binastos ng kapwa pulis. INQUIRER

CEBU CITY – Namimiligro ngayon ang isang 53-anyos na pulis matapos umanong i-sexually harass nito ang pulis na babae sa isang istasyon ng Cebu City Police.

Nakahanap ang Investigation and Detective Management Branch (IDMB) ng Cebu City Police Office ng sapat na basehan para sampahan ng kaso grave misconduct ang pulis sa Regional Internal Affairs, na siyang may otoridad para magbigay ng kaparusahan sa mga pulis na dawit sa iba’t ibang kaso.

Nahaharap sa posibleng pagkakasibak sa serbisyon ang pulis,” ayon Supt. Ryan Devaras, hepe ng IDMB.

Nakiusap ang IDNB na huwag na munang pangalan ang akusado at ang nagreklamong babaeng pulis habang hindi pa natatapos ang kaso.

Ayhon kay Devaras, tinanggal muna sa puwesto ang pulis matapos ireklamo ng 24-anyos na babaeng pulis.

Ayon sa biktima, nasa loob anya siya ng administrative office ng Waterfront Police Station alas-5 ng hapon noong Nob. 4 nang biglang lumapit ang kasamahan at hinimas ang kanyang binti at sinabi na:  “Maghikap-hikap lang gud ta kay kita ra man duha diri. (Maghimasan na lang muna tayo, tutal tayo lang naman ang nandito.)

Sinabihan niya ito na huwag siyang hawakan.  Mabuti na lang rin anya at may biglang tumawag sa respondent kaya lumabas ito.

 

HIndi anya ito ang unang beses na binastos siya ng lalaki.

Noong Setyembre, kung ano-ano umanong bastos na pananalita ang sinabi sa kanya ng kasamahan.

At noong Pebrero ay hinalikan din umano siya nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending