Relasyon ni Charice sa ina at kapatid nagulo nang maging dyowa si Alyssa | Bandera

Relasyon ni Charice sa ina at kapatid nagulo nang maging dyowa si Alyssa

Cristy Fermin - November 11, 2016 - 12:40 AM

CHARICE AT ALLYSA QUIJANO

CHARICE AT ALYSSA QUIJANO

KAILAN nga ba sapat ang sapat? Hanggang kailan ba dapat nakakulong ang isang personalidad para sagutin ang lahat-lahat ng mga pangangailangan ng kanyang pamilya?

Wala na ba siyang karapatang bumuo ng sarili niyang mundo? At ang tanong, wala na ba siyang karapatang lumigaya, sa kabila ng mga ginagawa niyang pagtulong sa mga taong mahal niya?

‘Yun siguro ang mga tanong na gustong isigaw ng magaling na international performer na si Charice Pempengco sa ituktok ng bundok. Baka sakaling may makarinig sa paglalabas niya ng emosyon.

Mula nu’ng bata pa ang singer ay wala na siyang naging prayoridad kundi ang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, siya na ang sumagot sa responsibilidad ng kanyang ama, siya na ang naging sandalan ng kanyang ina at kapatid maging ng kanyang lola.

Pero wala nga sigurong kabusugan ang mga taong hindi nagbibigay-pahalaga sa pagsisikap ng kanilang kapwa, sobra-sobra na ang ginagawa para sa kanila, pero kulang at kulang pa rin.

Dumating sa buhay ni Charice si Alyssa Quijano, ang kapwa niya singer na nagpapaikot ng kanyang mundo, du’n na nagsimulang gumulo ang relasyon ng magaling na singer sa kanyang pamilya. Kontra ang mga ito kay Alyssa.

Kung tutuusin ay mabait pa nga si Charice Pempengco dahil sa kabila ng lahat ng mga salitang natitikman niya ay nananahimik lang siya.

Kahit masikip na ang kanyang dibdib ay hindi niya sinasagot ang mga taong nang-aapi sa kanya nang walang sapat na dahilan, hindi bale nang ang imahe niya ang naaapektuhan, basta alam niya sa kanyang sarili na wala siyang pagkukulang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending