Bela, Arjo, Dominic bibida sa ‘OTJ The Series’ ng HOOQ | Bandera

Bela, Arjo, Dominic bibida sa ‘OTJ The Series’ ng HOOQ

Ervin Santiago - November 10, 2016 - 12:01 AM

bela arjo dominic

SAMANTALA, makakasama nga si Renz sa bagong collaboration project ng HOOQ, Globe Studios at Reality Entertainment, ito ngang OTJ: The Series na mapapanood na simula sa December.

Makakasama rin dito sina Bela Padilla, Arjo Atayde, Ria Atayde, Dominic Ochoa, Neil Ryan Sese, Nonoy Froilan, Smokey Manaloto, Teroy Guzman, Jake Macapagal, Leo Martinez at Christopher de Leon. Ang award-winning director na si Erik Matti na siya ring nasa likod ng pelikulang “OTJ” ang magdidirek ng mini-series version nito sa HOOQ.

Ayon kay direk Erik, ibang-iba na ang kuwento ng OTJ The Series sa pelikula na pinagbidahan nina Joel Torre, Piolo Pascual at Gerald Anderson. Kung sa pelikula, ang mga nakakawindang na kaganapan sa kulungan at problema sa droga ang ipinakita, dito raw as serye ay tututukan naman ang mundo ng media at ang mga buhay-buhay ng politiko sa bansa.

Si Bela Padilla ang isa sa magiging sentro ng kuwento na siyang gaganap na palaban at walang kinatatakutang journalist, habang sina Dominic at Arjo ay gaganap namang mga politiko na sandamakmak ang itinatagong mga lihim.

“It’s about time that we expand the themes that we started in the original ‘On The Job’ movie. Creating a mini series exclusively for a video on demand service like HOOQ will allow us to explore unique stories para sa ating mga kababayan na gustong makapanood ng kakaibang kuwento na hindi pa nila napapanood sa TV,” sabi ni dierk Erik.

Ayon naman kay Krishman Rajagopalan, HOOQ co-founder and CCO, “HOOQ Originals enhance our best-in-market content offering by adding exclusive local movies and TV series that are made for SVOD, and we are very excited to partner with both Reality Films as well as Globe to produce the first HOOQ original here in the Philippines.”

“We are very excited to finally start production of this new venture as its strengthens our commitment to provide best content for our customers whether they are at home or on mobile. And we believe that Erik Matti’s ‘OTJ’ is the perfect choice given the success of its movie counterpart,” ang sabi naman ni Globe Senior Advisor for Customer Business Dan Horan.

At hindi lang dito sa Pilipinas mapapanood ang OTJ The series, dahil ayon kay Dondon Monteverde ng Reality Entertainment, ang producer ng “OTJ” movie, plano rin nilang dalhin ito sa Thailand, Inida at Indonesia. For inquiries, just visit www.HOOQ.tv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending