Hiling ni Renz: Sana pakawalan na nila si Kuya Mark, mabait siyang tao! | Bandera

Hiling ni Renz: Sana pakawalan na nila si Kuya Mark, mabait siyang tao!

Ervin Santiago - November 10, 2016 - 12:30 AM

renz fernandez

“SANA pakawalan na siya kasi mabuti naman siyang tao!” Ito ang laging dasal ni Renz Fernandez para sa kanyang half brother a si Mark Anthony na nakakulong ngayon dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment media si Renz (anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino) sa presscon ng OTJ: The Series (isang bagong series na mapapanood sa Asia’s first and largest premium video-on-demand service na HOOQ), at dito nga naikuwento ng binata ang kundisyon ngayon ng kapatid niya sa ama.

“Sana pakawalan na siya kasi mabait naman siya. Hindi ko pwedeng ikuwento ang buong istorya baka magalit ang abogado. Sana makalaya na siya, ‘yun ang pangarap ko, yun ang dasal naming pamilya,” pahayag ni Renz.

Inamin din ni Renz na apektado silang lahat sa pamilya nang lumabas ang balita na nagtangka raw magpakamatay si Mark sa kulungan sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang pulso.

Inagaw diumano ng aktor ang gunting na gamit ng isang pulis na naggugupit sa loob ng selda. Sey ni Renz, nakarating nga sa kanila ang nasabing balita.

“Malungkot siyempre. Actually ‘di ko pwede i-discuss masyado dahil sabi ng abogado. Baka pagalitan ako. Pero bilang pamilya masakit sa amin,” pahayag pa ni Renz. Dagdag pa niya, totoong hindi maganda ang kalagayan ng kanyang kuya sa loob.

Pero siniguro naman ni Renz na buong-buo pa rin ang suporta ng kanilang pamilya para kay Mark, lalo na ang kanyang inang si Lorna.

Nu’ng huli raw siyang bumisita sa kulungan ay nakapag-usap sila nang masinsinan ng kapatid, “Sabi niya sa akin tulungan ko siya. Sabi ko wag siyang susuko at malalampasan nya ‘yon.”

Kamakailan ay maraming na-touch sa throwback photo na ipinost ni Renz sa Instagram kung saan magkasama sila ni Mark na batambata pa. Nilagyan niya ito ng caption na: “You are in my prayers kind brother.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending