Mark Anthony kailangang mabantayang mabuti sa kulungan matapos maglaslas | Bandera

Mark Anthony kailangang mabantayang mabuti sa kulungan matapos maglaslas

Cristy Fermin - November 09, 2016 - 12:35 AM

mark anthony fernandez

MATINDING atensiyon ang kailangang ibigay ngayon kay Mark Anthony Fernandez ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.

Walang bilanggong masaya, walang nakapiit na may katahimikan ng kalooban, pagsisisi at panghihinayang sa isang buhay na malaya ang kanilang nararamdaman.

Nasa ganu’ng sitwasyon ngayon si Mark Anthony pagkatapos siyang mahulihan, diumano nang sobra-sobrang kilo ng marijuana na naging dahilan ng kanyang pagkakulong.

Minsan na naming naisulat na inaatake nang matinding depresyon ngayon si Mark. Dati nang may kahinaan ang kanyang loob, kapos siya ng tiwala sa kanyang sarili, kaya maaasahan nang paulit-ulit siyang inaatake ng depresyon ngayong nasa piitan siya.

Hindi maganda ang kuwentong lumabas na gusto niyang magpakamatay. Diumano’y inagaw niya ang gunting sa katabi niyang barbero habang ginugupitan siya, saka siya naglaslas ng pulso, may nadamay pa diumanong preso sa kanyang ginawa.

Maaaring hindi eksakto ang lumabas na istorya tungkol kay Mark Anthony, pero nakakaalarma pa rin ‘yun, kaya kailangang dobleng pagbabantay ang gawin sa kanya sa piitan.

Kailangan din siyang dalawin nang madalas ngayon ng kanyang ina at mga kapatid, pati na ng mga kamag-anakan nila at kaibigan, para kahit paano’y maibsan ang lungkot at depresyon ng aktor.

Nasa huli talaga ang pagsisisi. Walang pagsisisi sa simula. Kung naging matatag lang sana at madisiplina si Mark Anthony Fernandez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending